6.0 | Reasons

16 0 0
                                    

SHADDEN...

"Good afternoon iho, pinapatawag mo raw ako?" Sabi ng ginang na kapapasok lang sa office ni Shadden. Mabilis syang tumayo at iginayak ang ginang papunta sa upuang kaharap ng table nya.

"Yes, Ma'am Alegria. I have been informed na ikaw ang nag hahandle last year ng mga violations for grade 11 and 12 students dito sa senior high buildings" Panimula ni Shadden. Bumalik narin sya sa sariling upuan at hinarap ang ginang na nag ngangalang Alegria. A 49 year old teacher sa school nya.

4:30 na at alam nyang uwian na ng mga estudyante and so the teachers but may gusto lang syang itanong sa ginang kaya ipinatawag nya ito. Isang oras na naman ang nakalipas ng matapos ang detention ni Celeste and so nakaalis na ito. Shadden just hope na wala na itong kasangkutang gulo ngayung araw.

"Yes, pero naipasa na ang position nayun kay Sir Alestor this year dahil mag riritiro narin naman ako next month. May maitutulong ba ako sayo iho?" Anang ni Ma'am Alegria. Mukha lang itong masungit pero mabait ito. Umayos ng upo si Shadden.

"Mag tatanong lang po sana ako about this girl naming Carniah Celeste A. Velchour. Is that name ring a bell to you Ma'am Alegria?" Magalang na pag tatanong ni Shadden.

Medyo gulat naman ang expression ng ginang sa pangalan na nabanggit nya but pag kakawan ay napangiti. Iyun ang ikinataka ni Shadden. Tila masaya pa kase ang ginang dahil sa binanggit nyang pangalan na para bang may naaalala ito run.

Naguguluhan sya dun dahil knowing Celeste's behavior ay walang katuwa tuwa at kasiya siya dun. Ipinatawag nya ang ginang upang mag tanong pa ng about tungkol kay Celeste, kung bakit ganun ang behavior nito at kung bakit hindi pa ito nakikick out sa school nila after so many violations na nilabag ng dalaga.

Shadden knew na may alam ang ginang. Imposibleng wala dahil ito ang namamahala dito sa part ng school nato last year. Ito lang ang pwede nyang mapag tanungan about kay Celeste. Or at least.

"Abay Oo. Kilala ko ang pasaway na dalagita na yun. Bakit ano ang ginawa nyang rason sayo ngayun? Ang batang iyun talaga apaka selfless, kahit sya ang mapapasama ay go pa rin ng go" Naiiling na sabi ng ginang. Pero may ngiti ito sa labi. Lalo lang lumalim ang kunot ng nuo ni Shadden.

"Ano po ang ibig nyong sabihin? And what reason?" Shadden asked. Nginitian sya nito.

"Nako iho, kung makakasagupa mo ang dalaga na iyun ay unawain mo nalang sya. Pasaway sya Oo, pero ginawa nya yun to help others. Huwag mong masamain ang pag kampi ko sa kanya huh pero that girl is indeed kind" Sagot ni Alegria kay Shadden.

"Alam mo ba last year, yang pasaway na babae nayan eh pumasok sa loob ng nasusunog na library para lang kunin at isalba ang libro ng History of SU. Iyun bang libro na malaki na asa museum natin ngayun. Hindi mo na naabutan yung mini library duon sa likod ng hall kase nga nasunog na at pinatayuan na ng tank ng tubig" Kwento ni Alegria. Si Shadden naman ay tumango pero di naalis ang kunot sa nuo.

Hindi nya masyadong nasagap ang about sa issues nayun dahil asa ibang school sya namamalagi, but natatandaan nyang binanggit iyun sa kanya ng Ina nya.

"May sinaksak pa nga ng ball pen yang si Carniah. Sa pag kakantanda ko ay hindi naman talagang estudyante yung nasaksak nya. Isa iyung nakatakas na inmate jan sa kalapit nating police station. Nang hostage kase ng estudyante yung lalaki at itong si Carniah lang ang naglakas loob na harapin yun. Hay nako talaga ang batang iyun apaka reckless" Komento pa ni Alegria. Tila hanggang ngayun ay hindi parin makapaniwala na nagawa iyun ni Celeste.

"Ang pinaka huling tanda ko na kalukohang kinasangkutan ng dalaga iyun last year ay nanuntok sya ng teacher. Si Mr. Sinko. Iyung teacher na pinatalsik dito last year. Ewan ko kung nasabi sayo yun ng Mama mo. Nang bablack mail kase yang si Mr. Sinko na ibabagsak ang mga biktima nyang student pag hindi nila sinunud ang gusto nya. Pineperahan pala nito ang mga student nya. Si Carniah ay isa sa mga blinackmail nya kaya ayun nanuntok" Natatawang kwento ni Alegria.

Symphony Of The PastWhere stories live. Discover now