Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangyari. Pero sa kabila noon ay hindi siya nawalan ng pag asang itama lahat ng mali ngunit sa pamamagitan ng paghihigante. Ang akala ng lahat ay patay na siya, ang hindi nila alam ay buhay pa pala ito at naghahanap ng tiempo para magpakita sa lahat. Lahat ay nagulat sa pagbalik niya pati ang taong nagtangkang pumatay sa kanya. Hindi sila makapaniwalang sa pagbalik niya lahat ay nagbago. Ngunit sa pagbalik niya para maghiganti ay mas malala pa ang naranasan niya. Bumaliktad ang lahat na para bang siya ang ginantihan. Malalabanan niya kaya ito o mauuwi sa peligro ang buhay niya? -mattymathic