Chapter 28

376 29 0
                                    


Went black

Joyce POV

Nagising ako ng may humaplos sa aking buhok. Mukha agad ni Tan ang aking nakita.

"Gising ka na" gulat akong napatingin sa kanya at sinuri ang paligid kung nasaan ako at nakita kung puti lahat ang nasa paligid ko.

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Nasa clinic ka" bigla kong naalala na nahimatay ako kanina. Siya yung naghatid sa akin?

"Ikaw naghatid saakin dito?" tanong ko at tumango naman siya.

Bigla akong nanlumo ng malamang siya ang naghatid sa akin dito.

Kasi ang akala ko si Ken. Naalala kung may sinabi siya sa akin tapos hinalikan ang noo ko pati labi ko.

Baka panaginip lang iyon.

Nanlumo rin ako ng hindi man lang alam ng mga kaibigan kung nasa clinic ako.

Siguro nagtatampo parin sila saakin.

"Kumain ka na?" tanong niya at tumango lang ako sabay upo sa kama.

"Canteen tayo samahan mo ko" yaya niya.

"Bakit?"

"Manliligaw mo ko kaya samahan mo ko" sabi niya.

"Ikaw nanligaw tapos ako yung sasama?"

"Pwede din, samahan mo lang naman ako tyaka sinamahan nga kita sa clinic eh" nakunsenysa naman ako kaya pumayag nalang din.

Nang makarating kami sa canteen ay pumila siya agad para um-order. Di nagtagal ay dumating naman siya.

"Kahit dessert lang ang kainin mo" sabi niya sabay bigay saakin ng isang dessert. Tinanggap ko nalang at sinimulang kainin.

"Tan?" napalingon kaming dalawa ng may tumawag sa kanya galing entrance.

Nakita ko ang dalawa niyang kaibigan papalapit sa amin. Napatingin naman sila saakin.

"Okay ka na, Joyce?" nagulat ako sa tanong niya. "Ahh sinabi kasi samin ni Ken na nawalan ka ng malay kaya dinala ka..." hindi na niya tinuloy ang sabi ng sikuhin siya ni Ken.

So alam niyang nasa clinic ako? Pero hindi man lang niya ako dinalaw?

Teka? Ano ba tong iniisip ko.

"Order lang kami" paalam ni rhyz at pumila na silang dalawa.

Susubo palang sana ako ng sumigaw si heven papalapit sa pwesto namin.

"Hayop kang babae ka" sigaw niya sabay palo sa mesa kaya kumalat ng kunti ang kinain ko.

"Heven?" pigil ni Tan.

"Hayop kayo ng dalawa mong nanay" sigaw niya kaya napatayo ako ng banggitin niya ang mama ko.

"Ano bang pinuputok ng bunganga mo?" taas kilay na tanong ko

"Iyang nanay mo ang dahilan kung bakit nasa ospital ang mama ko ngayon" sigaw niya.

"Kailangan mo ng pera?" nagulat nalang ako ng sinampal niya ko.

"Tinanggap ko lahat ng pagpahiya niyo sa akin pati sa nanay ko" naiiyak niyang sabi "Ang hindi ko matanggap ay kung bakit lahat ng natira saamin ang kinuha ng mama mo?" tumulo na ang luha niya.

"Ano bang sinasabi—"

"Inatake ng puso ang nanay ko dahil sa kagagawan ng nanay mo" sabay punas niyang sabi "Kinuha niya lahat ng meron kami" sigaw niya pa.

"Heven" singit ni Ken na nasa tabi ni rhyz.

"Bakit saakin ka nagalit? Bakit hindi sa nanay ko?" tanong ko.

"Ang kapal din—"

"Kahit ilang beses mo pa yang sabihin, walang makakatalo sa kapal ng mukha mo" sigaw ko

"Hindi porket ikaw na ang nagmamay-ari ng paaralang to ay ganyan ka na umasta, nanggaling karin sa hirap"

Lahat ng tao sa canteen ay nasa amin ang paningin.Tutok na tutok sa amin na para bang nanonood ng magandang palabas.

"And so?" baling ko kay heven pero hindi na siya nakapagpigil ay hinablot na niya ang buhok ko.

"Oh my ghod" sigaw ng mga nanonood.

"Heven" rinig kong sigaw ni Ken.

Hindi ako nagpatalo at hinablot ko rin ang buhok niya.

"Tumigil na kayo" sigaw ni rhyz.

Hinablot ko ng malakas ang buhok ni Heven dahil para matumba siya. Dali dali akong sinakyan siya at sinampal sabay hablot ng buhok.

Biglang may humawak sa kamay ko at nakita kong si Fam iyon. May humablot din sa buhok ko at nakita kung si Sheka iyon.

Pinagtutulungan nila ako.

"Aray" sigaw ko ng sumakit ang ulo ko dahilan para mabitawan ko si heven. Napatayo naman si heven at lumapit s akin.

"Ako ng bahala sa kanya" sabi niya sa kaibigan niya at muntik na akong matumba dahil sa hilong bitawan ako ng kaibigan niya.

"Heven tumigil ka na" nakita kung hinawakan ni ken si heven at ganun din si rhyz at tan na hinawakan ang dalawang alipores ni heven.

Pero pumiglas si heven dahilan para mabitawan siya ni Ken.

Nahihilo nako at namalayan ko nalang na nasa tapat ko na si heven walang pasabing tinulak ako ng malakas dahilan na mas lalong sumakit ang ulo ko.

Bago pako mapapikit ay nakita ko ang dalawa kung kaibihan na kakapasok pa lamang. Kita sa mukha nila ang pag alala sabay lapit sa gawi ko.

Bakit ngayon lang kayo?

Hindi pa sila nakalapit ay natanaw ko ng papalapit sa akin si ken na bakas din sa mukha niya ang pag alala habang nakatingin sa akin.

Napangiti ako sa aking isipan.

Boses ni ken ang huli kung narinig bago ko naipikit ang aking mata at nawalan na ng malay.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now