Chapter 22

559 27 0
                                    


Kiss

Joyce POV

Linggo ng umaga, nagising nalang ako ng ginising ako ni mama. Nasa labas daw ang dalawa kung kaibigan.

Nung makita ako nung dalawa, niyaya agad akong magsimba. Tila nakalimutan ko na may simba pala. Sobrang sama ko naman.

Kaya agad akong naligo at nag-ayos medyo matagal tagal naring hindi ako nakapagsimba tyaka gusto ko ring makipagbonding sa mga kaibigan ko.

"Let's go?" aya ko sa dalawa ng makalabas ako sa aking kwarto.

Sumunod naman ang dalawa saakin palabas at dumiretso sa itim kung sasakyan.

"Dalawa talaga kayo sa likod? Gagawin niyo kung driver?" reklamo ko ng akmang papasok ang dalawa sa backseat.

"Ikaw ang magmaneho? Saan yung secretary mo?" tanong ni matt.

"Actually hindi ko siya secretary, pinsan ko yun" sabi ko, nagulat naman sila.

Hindi ko sinabi sa kanila na pinsan ko yun kay daddy na side.

"Nung una nga hindi ako naniwala eh, hindi halata sa itsura niya na secretary siya. Ang ganda eh"

"So, lalaki ka na niyan?" singit ni syrinne

"Hoy! anong lalaki ka diyan? Lalaki ako pero lalaki din gusto ko. Kilabutan ka nga" nandidiring sabi niya.

"Tama ng chika baka nagsimula na ang mass" pigil ko sa dalawa.

"Pero teka, ikaw talaga magmaneho?" takang tanong ni matt.

"Oo, bakit? Wala kang tiwala saakin?" tanong ko sakanya.

"Hindi naman pero kasi first time kung sumukay na ikaw ang magmamaneho" takot na sabi niya.

"Edi lumakad ka" sabi ko at pumasok na sa driver seat.

"Joke lang. Eto naman" pumasok na din siya sa likod at nasa front seat naman si syrinne.

"Dahan dahan lang te ha?" sabi pa ulit ni matt ng simulan ko ng paandarin ang sasakyan.

"Ang laki mong tao matakutin" imik ni syrinne.

"Ayy grabe siya ha? hindi pwedeng mag iingay lang? ganun?" hindi ko na inintindi ang dalawa at nagfocus nalang sa pagmamaneho.

Hindi na man kalayuan ang Church dito kaya hindi nagtagal ay nakarating din kami.

Nagpark lang ako saglit at walang imikang pumasok sa simbahan. Naghanap agad kami ng bakanteng upuan.

"Buti nalang hindi tayo nasunog" bulong ni matt.

"Ikaw lang, huwag mo kaming idamay" kontra ni syrinne.

"Tumigil nga kayong dalawa, nasa simbahan tayo" natahimik naman sila.

Nang magsimula ang misa ay nakinig at nakikisabay lang kami sa pagkanta. Medyo kabisado ko lahat ng kanta dahil lagi akong nagsisimba dati.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now