Chapter 37

382 26 0
                                    


Remember

Matty POV

Kanina pa ako dito sa ospital. Tinawagan ako ng numero ni Joyce pero hindi siya ang nagsalita.

Boses ng babaeng nurse, pinatawag ako at pinapunta sa ospital at ganun nalang ang gulat ko ng makitang maraming pasa ang katawan niya at walang malay na nakahiga sa hospital bed.

Dun ko lang nalaman na si Tan at Heven ang may pakana ng pumunta ang dalawang pulis kanina para tingnan si Joyce.

Kanina ko pa tinawagan si Syrinne pero walang sumagot. Kaya tinext ko nalang at nagbabasakaling mabasa niya mamaya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni joyce. Tumulo ang luha ko ng makita ang kalagayan niya.

Bakit ba nangyayari sayo to?

Pinahid ko ang luha ko ng tumunog ang phone ko. Nakita ko agad ang text ni Syrinne, nagtatanong kung anong room si joyce. Nag reply naman ako.

Maya maya ay narinig kung bumukas ang pinto, hindi ko na nilingon kung sino yun dahil alam ko na.

"Omyghad" gulat niyang sabi ng makita si joyce "A...anong nangyare sa kanya?" kaya kinuwento ang kaunting nalaman ko galing sa mga pulis.

Na sina heven at tan ang may pakana. Sinabi din saakin na makukulong sila sa loob mg selda ng seven days lang dahil menor de edad pa.

"Hayop talagang bruhang iyon hindi pa talaga siya tumigil?" galit na sabi ni syrinne. "Bakit? Bakit pati si Tan?"

"Yun ang hindi ko alam"

"Bakit niya ginawa ito kay joyce?" nagkibit balikat ako "Alam na ba nila tita to?" umiling ako sa tanong niya.

"Ikaw na tumawag, natatakot ako" napipilitan man ay tinawagan din ni syrinne sila tita.

"Hello po, Tita?... Si syrinne po ito... Opo.... Nandito kasi kami sa ospital, tita.... Si joyce po tita... Tita si joyce na ospital" naiyak ng sabi niya at lumapit sa akin.

"Anong sabi?"

"May ginagawa pa sila pero papunta rin daw sila rito" tumango lang ako at napatingin kay joyce.

Hindi ako makapaniwala na sa ikatlong balik mo dito sa ospital ay si heven parin ang dahilan.

Gusto ko na talagang bugbugin ang babaeng iyon, sumosobra na siya. May saltik ata yun.

Pero naguluhan ako kung bakit pati si Tan ay kasali sa mga kademonyuhan ng babaeng iyon.

Joyce POV

Nagising ako ng maramdamang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako dun at nakita si mama na hawak ang kamay ko

"Anak? gising ka na?" si dad agad ang unang nakapansin saakin. Ngumiti lang ako.

"Jusko salamat at gumising kana" sabay yakap ni mama at napaaray naman ako ng sumakit ang katawan ko kaya agad ding humiwalay si mama sa akin.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now