Chapter 07

487 37 0
                                    


Welcome Party

Joyce POV

Dalawang oras na kung nasa kwarto, nakabihis na at handa ng pumunta sa party. Hinihintay ko nlang si Tan na dumatin.

Hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina kaya mas kinakabahan akong kasama siya ngayon.

Maya maya pa ay tumunog yung phone ko senyales na may tumatawag, pagkakita ko sa pangalan sa screen ay agad akong kinabahan. It's Tan.

"H..hello"

"Hello, joyce?"

"Y..yes?"

Bakit na utal ako ng utal?

"I'm here already, in front of your house. Are you done?"

"Y..yeah, I'm coming" sh*t, napapaenglish tuloy ako sa kaba.

Pinatay ko na yung at agad lumabas sa kwarto. Naka simple plain white dress lang ako na mumurahin.
Fitted naman siya sakin tyaka mukha pang bago kasi hindi ko pa to nasuot.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nakasalubong ko si mama.

"Alis na ko, ma" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Ingat ka ha?"

"Opo, bye ma" paalam ko at lumabas na.

Hindi alam ni mama na sa isang anak ng may ari ng school ako pumunta, dahil alam kung hindi siya papayag.

Naalala ko kasi nung una na nagpa enroll ako sa Eastwood, hindi siya pumayag na makapasok ako dun kahit na nakakuha na ako ng scholar. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang kung maka react si mama.

Kaya ngayon hindi ko sinabi na dun ang punta ko baka magalit pa.

Nang makalabas ako ng bahay, agad nakuha ng attention yung babaeng nasa kabilang highway na nakatingin sa akin. Kinilabutan ako bigla sa paraang pagtingin niya.

Kahit madilim sa kinaroronan niya ay kitang kita parin na saakin siya nakatingin. Isa siyang babae na nakasuot ng uniform ng Eastwood.

"Joyce?" tawag saakin ni Tan kaya nabaling ko sa kanya ang aking atensyon.

"Ha? ah ito na" sabi ko sabay lapit sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Papasok na sana ako pero tinignan ko muna yung babae na nasa kabilang kalsada pero wala na siya kaya pumasok na ako ng tuluyan.

Sa byahe patungo sa bahay nila heven ay wala kaming imik. Wala akong masabi dahil sa sinabi niya kanina nung hinatid niya ako. After ilang minutong byahe ay nakarating nadin kami.

"Andito na tayo" sabi niya kaya tinanggal ko na yung seatbelt ko at bubuksan ko na sana ng pinagbuksan niya ako ng pinto"Salamat" sabi ko kaya nginitian niya lang ako.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay namangha ako sa laki ng bahay nila. Hindi lang basta bahay ito, para narin itong mansiyon sa sobrang laki.

"Pasok na tayo?" yaya ni Tan kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok namin ay sobrang ganda ng venue ng party, nasa pool lahat ng tao, yung iba naka swimsuit dahil naliligo yung iba naman ay gaya ko na naka dress. Nilibot ko yung paningin ko.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now