Chapter 04

498 35 0
                                    


Real Owner?

Joyce POV

"Bat ang tahimik mo, sis?" tanong ni Matt sakin ng pamansin ang tahimik ko.

"May problema ba?" tanong pa ni Syrinne.

Nandito kami ngayon sa Restaurant ng Mall, kumakain. Kasama ko yung dalawa kong kaibigan. Sina Matt at Syrinne.

Bumili kasi kami ng mga gamit dahil pasukan na bukas.

"Woy? kanina ka pa tahimik ha?" nawala aking pag iisip ng tapikin ako ni Matt.

"Ha? ano ba yun?" taka kung tanong.

"Hala te, kanina pa kami nagsasalita di ka pala nakikinig" sabay irap na sabi ni Matt. Oo, bakla si Matt.

"Sorry, may iniisip lang" ngiting sabi ko.

"Care to share" maarteng sabi ni Syrinne.

"Si Fafa Ken ba yan?" tanong ni Matt kaya tumango ako.

"Bakit? nag-away kayo?" tanong pa ni syrinne.

"Hindi ko alam, kasi nakalimutan ko lang yung monthsarry namin tapos hindi na ako pinansin ng isang linggo" yes, mag-iisang linggo na ngayon pero di parin ako pinapansin.

Di man lang nag abalang mag text or tumawag. Na kayanan niya yun? Samantalang ako wala sa sarili kakaiisip kung paano ko siya kakausapin.

Text ako ng text di naman nagrereply, tawag ako ng tawag di naman sinasagot tapos naka off pa yung phone.

Nung isang araw pumunta ako sa kanila kaso wala daw siya dun dahil may pinuntahan daw sila nung heven.

Mukhang sobrang saya ata niya habang kasama yung babae na yun kaya nakalimutan niya na may girlfriend siya.

"Girl? Hindi lang basta basta monthsarry yun te. Huwag kang shunga" yamot na sabi ni bakla.

"Nag sorry ako ng ilang beses, pumupunta sa kanilang bahay. Tinetext at tinatawagan pero parang hindi ako nag eexist, parang walang pakialam sa akin" paliwanag ko.

"Baka may importanteng ginagawa o kaya busy" singit ni syrinne.

Baka busy sa babae niya.

Tinatawagan ko rin yung dalawang kaibigan niya pero laging sinasabing hindi daw sila magkasama.

"Siguro nga" sang-ayon ko na lang.

Baka ako pa ang diinan nila dahil sobrang boto talaga nila kay Ken simula pa lang.

"Tara, sine nalang tayo" aya ni bakla.

Hindi na ako tumanggi kasi libre naman niya, mayaman kasi tong dalawa. Ewan ko ba kung bakit kinabigan ako nila eh hindi naman ako kasing yaman nila.

"Bili muna tayo ng makakain, sa grocery tayo. Ayoko ng popcorn" sabi ni syrinne.

Hindi na to ang unang beses na nag sine kami. Napapansin ko talaga na hindi talaga siya kumakain ng popcorn pag nagsi-sine kami.

Si Matt naman walang pili, kung anong pagkain kakainin. Pareho kami walang pili pero mas matakaw lang nga siya kaya medyo lumalaki na siya eh. Di nalang namin pinapansin.

Nabili na namin lahat, wala akong pinili kasi wala akong pera. Si syrinne na ang namili sa akin kasi siya yung magbabayad.

Ako yung pinapili nung una pero hindi ako pumayag kasi ang mahal ng mga pagkain. Kaya siya nalang yung pumili para saakin.

Pumila na sila sa Cashier samantalang ako ay naghintay nalang. Palinga linga ako sa paligid ng may masulyapan ako.

Si ken na may kaakbay na babae. Sinusuri ko yung babae at napagtanto kung si heven yun, yung babaeng kasama niya nung nakita ko sa labas ng bahay nila.

Bakit parati silang kasama?

"Joyce? let's go?" naputol yung tingin ko ng dumating silang dalawa. Tumayo ako para kunin yung isang bitbit ni syrinne.

"Are you okay?" tanong pa niya.

"Oo naman, ahm nakita ko lang si ken" may kasamang babae.

Hindi ko na dinugtungan.

"Where?" takang tanong ni Matt.

Tinignan ko kung saan sila kanina pero nawala na sila.

"Wala na, baka kamukha lang niya" sabi ko at naglakad na. Sumunod naman sila at hindi na nagsalita.

Pero sigurado akong si Ken yon.

Pagdating namin dun ay bumili agad kami ng ticket. Nang makabili na kami ay pumasok na agad kami at naghanap ng mauupuan.

Maya maya pa ay nagsisimula na ang palabas. Comedy yung movie pero parang hindi ako natatawa.

Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina, alam na alam kung si Ken yun kahit nakatalikod. Parang sumikip yung dibdib ko ng makita ko sila kanina.

"Are you okay?" napatingin ako sa nag alalang si syrinne ng mapansin na humawak ako sa dibdib ko.

"Yeah, Cr lang muna ako" tumango naman siya kaya nagtungo agad ako ng Cr ng walang paalam kay matt. Baka si syrinne na ang magsabi, kailangan ko lang muna magkulong ng cubicle.

Mga limang minuto ako sa cubicle. Lalabas na sana ako ng may marinig ako nag-uusap na familiar sa akin.

"I'm so happy na nakauwi na siya" boses ng babae. Kundi ako nagkakamali ay si Fam ito. Schoolmates ko.

"Yeah, kumpleto na naman tayo" rinig ko sabi pa ni Sheka.

Kilala ko sila, magkakaibigan silang dalawa. Lagi nila ako sinusungitan simula nung niligawan ako ni Ken.

Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako or hintayin ko muna silang matapos. Pero napagdesisyonan ko na lumabas nalang.

Dumiretso ako sa faucet para maghugas ng kamay.

"Look who's here" rinig kong sabi ni sheka.

Payat siya na medyo matangkad. Maganda din siya kaso magkasalungat yung ugali niya sa itsura niya. Pareho silang dalawang maganda mas matangkad nga lang si sheka.

Kung gaano sila kaganda kabaliktaran naman ng ugali nila.

Hindi ako umimik habang naghuhugas ng kamay. Kita ko sa gilid ng mata ko ng nag re-retouch sila. Ramdam ko rin na tinitingnan nila ako sa salamin. Pero hindi ko sila sinulyapan.

"By the way, matakot ka na. Kasi nandito na ang totoong nagmamay-ari" sabi ni Fam at tuluyan na silang umalis ng cr.

Hindi ko alam kung sa akin ba niya sinabi yun. Pero alam kung para sa akin yun dahil sa pananalita niya.

Isa lang ang nararamdaman ko nang sabihin niya yun. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Kinakabahan ata ako.

To be continued . . .

The Innocent RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon