Chapter 39

430 21 0
                                    


I love you

Joyce POV

"Joyce" lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Humakbang siya papalapit sa akin at agad akong niyakap.

"I miss you" bulong niya, wala akong masabi dahil na miss ko rin siya. Niyakap ko rin siya at umiiyak sa balikat niya.

"Shhhh.... Im here, hindi nakita iiwan. I'm sorry" sabay haplos sa buhok.

"Saan ka ba kasi nanggaling" reklamo ko ng kumawala ako sa aming yakap.

"May ginawa lang ako"

"Anong nangyari? Bakit sabi nila patay ka na?"

"Sinabihan ko sila na sabihing patay na ako. Ayoko munang magpakita sayo at yun din ang gusto ng mama mo" napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Dahil alam namin na ako ang dahilan kung bakit nangyari sayo lahat ng iyon. Kung bakit pabalik balik ka sa ospital"

"Hindi. Wala kang kasalanan"

"Shhh... Okay na. Okay na lahat,
huwag kang mag-alala. Binigyan lang ako ni tita ng Isang buwan para hindi magpakita sayo" niyakap ko ulit siya.

"Sobrang na miss kita"

"Ako din"

"Sorry kung galit na galit ako sayo"

"Okay lang, nasaktan din kita kaya sorry" sabay niya at hinalikan ang ulo ko.

"May sasabihin ako sayo" sabi ko kaay napatingin siya sakin.

Hinawakan ko ang tiyan ko kaya napatingin siya dun.

"Ano yun?"

"Buntis ako" nagulat siya ng sabihin ko iyon. "Magiging daddy ka na" sumilay ang ngiti sa labi niya at niyakap ako.

"Thank you" niyakap niya ako ng mahigpit "Sobrang saya ko ngayon" naramdaman kong nabasa yung balikat ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko.

"Hmm, tears of joy"

"Akala ko talaga wala ka na" nguso kong sabi.

"Sorry kung nagtago ako"

"Ang importante, nandito ka na" nakangiti kung sabi.

"I love you" biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng sabihin niya ayun.

Ngumiti lang ako hindi ko alam kung bakit hindi ako makasalita ng sabihin niya yun.

"Sa wakas, kayo na ulit" biglang sigaw ni syrinne.

"Tayo na naman ang susunod" sabi naman ni rhyz kay syrinne

"T...tumahimik ka nga" kita kong namumula ang mukha ni syrinne. Napangiti nalang ako.

"Tara kain na tayo, nagugutom nako" antakaw talaga ng baklang to.

The Innocent RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon