Chapter 10

566 38 3
                                    


How I wish

Matty POV

Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon habang hinihintay ang mga gamit ni Joyce.

Hindi ko alam ang gagawin ko, palakad-lakad lang ako at hindi mapakali.

May nakita silang katawan sa loob ng sasakyan na sumabog. Hindi ko kayang tingnan nung pinasok siya sa ambulansya, kita ko ang sunog niyang katawan.

Patay na ang katawan ng hindi pa sila makarating sa hospital, nandito kami lahat pati si Tita Lou para hintayin at kompirmahin kung gamit nga ba lahat iyon ni Joyce.

Sana hindi siya yun.

Kinakabahan ako ng todo, simula pa nung makapasok ako sa loob ng bahay nila heven. Alam ko talaga na may mangyayari, pero hindi ko alam na si Joyce pala yun.

Nanghihina ako at napaupo nalang. Ang pinagtataka ko ay kung bakit isang katawan lang ang nasa loob ng sasakyan?

Kasi sa sinabi ni Syrinne, may nagmamaneho ng sasakyan. Isang lalaki. Bigla nalang nawala ang isang drayber.

"Walang hiya, nasan na ang Joyce na yun?" napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang impit na sigaw ni Mrs. Eastwood.

Nandito pala siya? Baka dito din dinala si heven.

"Bakit mo hinahanap ang anak ko?" nanghihinang tanong ni tita na agad napatayo at tinignan ng masama si Mrs. Eastwood.

Nakita ko sa mukha ni Mrs. Eastwood ang pagkagulat ng makita niya si Tita Lou pero agad din itong nawala at napalitan ng mataray na mukha.

"So, anak mo pala yung kriminal na yun?" mataray na tanong ni Mrs. Eastwood habang naka cross arm.

Kaya biglang sinampal ni Tita Lou si Mrs. Eastwood na ikinagulat namin lahat.

"Hwag mong tawaging kriminal ang anak ko" sigaw ni tita.

"How dare you" akmang sasampalin din sana ni Mrs. Eastwood si Tita ng pigilan siya ng tita.

"Subukan mo ko babae ka kung ayaw mong lumabas lahat ng baho mo" pananakot ni Tita na ikinagulat ni Mrs. Eastwood. Kita ko sa mukha ni Tita ang galit.

Wait? Magkakilala ba sila? Anong baho ba?

Natahimik bigla si Mrs. Eastwood nagbitawan ni Tita yung kamay niya.

"Hindi kriminel ang Anak ko, Baka anak mo. Kasi kung ano ang ginagawa ng Ina yun din ang ginagawa ng Anak." galit na sabi ni Tita.

"H..hindi mo ba alam na s..sinaksak—" hindi natapos ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni tita.

"Hindi mo rin ba alam ang sinapit ng anak ko?" naluluhang sambit ni tita "Sunog ang katawan ng anak ko at alam kong kagagawan to ng demonyita mong anak" dugtong ni tita na napipiyok ang boses. Hindi agad nakapagsalita si Mrs. Eastwood at napayuko nalang dahil sa kahihiyan.

"What's happening here?" biglang singit ng isang lalaki sa namay kaidaran na. Si Mr. Eastwood. Ang daddy ni heven.

"Oh, honey. Nandiyan ka pala" pasweet na sabi ni Mrs. Eastwood habang nakahawak sa braso ni Mr. Eastwood na parang walang sagutan na nangyari.

Pagtingin ko kay Mr. Eastwood ay nagulat din ito ng makita niya si tita lou, gaya ng pagkagulat ni Mrs. Eastwood kanina.

"Lou?" gulat na sabi ni Mr. Eastwood kay tita.

Hindi umimik si tita at aakmang aalis na pero nagsalita ulit si Mr. Eastwood pero pinigilan ito ni tita gamit ang pagtaas niya ng kamay.

Ano ibig sabihin nito? magkakilala silang tatlo? how come?

"Let's go, honey. Baka hinahanap na tayo ni heven" pagyaya ni Mrs. Eastwood na parang teenager lang. kadiri.

So, gising na pala ang bruha?

Pagtingin ko sa kiliran ko, nakita ko si Ken papunta sa gawi namin. Pagkarating niya sa tapat ko ay nakatingin siya sa kinaroroonan nila tita.

"Anong nangyare? bakit kayo nandito?" naguguluhan niyang tanong pagkatapos niyang tignan sila tita.

Biglang nangibabaw ang galit ko ng makita ang pagmumukha niya.

"Wala naman, naaksidente lang naman si Joyce dahil nabunggo ang sinasakyan niyang sasakyan at ayun nandun siya" turo ko sa room kung saan si anna. "sunog ang katawan nahalos hindi na makilala dahil sumabog ang sasakyang sinakyan niya" sarkastiko kong sabi.

"B..baket?" naguguluhang tanong niya.

"Bakit?" sigaw ko kaya agad na patingin yung ibang tao sa pwesto namin. "Anong klaseng tanong yan? ha? At ang kapal ng mukha mong magtanong, bakit? Ha? baket? Nasan ka nung na aksidente si Joyce Ha? Nasan ka?" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya "Boyfriend ka niya, boyfriend ka niya pero nasaan ka? nasaan ka nung kailangan ka niya? wala Ken, wala ka sa tabi niyang g*go ka" naiiyak kong sabi habang kinwelyuhan siya.

Sobra ko siyang pinagkatiwalaan dahil alam kong safe si joyce pagdating sa kanya pero nagkakamali ako. Una palang botong boto na ako sa kanilang dalawa.

Hindi siya umimik.

Kaya tinalikuran ko nlang siya at Lumabas nalang ng hospital para magpahangin. Baka masuntok ko pa ang bwesit niyang mukha.

Biglang tumayo ang balahibo ko ng sumalubong ang malamig na hangin paglabas ko. Tila may kakaibang humaplos sa katawan ko.

May nakita akong babae na nakatayo sa kabilang kalsada habang nakatingin sa kinaroroonan ko. Bigla akong kinakabahan dala ng takot.

Ipinikit ko yung mata ko baka nagkakamali lang ako ng maimulat ko iyon ay wala na ang babae sa kabilang kalsada.

Kahit hindi ko alam kung anong suot ni Joyce kanina sa Party. Alam kung si Joyce yung nakita ko. Nagmumulto na ba siya?

Bumalik nalang ako sa loob dahil sa sobrang takot. Pagdating ko sa loob ay saktong paglabas ng doctor na may dalang box na maliit, siguro ito na yung mga gamit niya.

Ayokong tignan ang laman, hindi ko gustong malaman kung sa kanya nga ba ang gamit na yun.

Hindi ako lumapit pero alam kung si joyce yun ng biglang umiyak si tita. Lumapit ako para kumpirmahin kung sa kanya nga ba iyon.

Tumulo nalang yung luha ng madiskubreng sa kanya nga yung mga gamit including nung bracelet na pareho naming tatlo, bracelet ng pagiging magkaibigan namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko matanggap. Bakit? Bakit siya pa?

How I wish na bangungot lang ang lahat ng ito.

Na sana paggising ko ay hindi totoo ang nakita ko pero mukhang hindi narinig ni lord yung wish ko.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now