Chapter 29

374 24 0
                                    


Operation

Matt POV

Simula kahapon ay hindi namin pinapansin si joyce. Nagtatampo kami sa kanya. Nag ina na kasi siya, hindi na siya yung dating joyce na kilala naming laging positive.

Ngayon kasi puro galit nalang ang nararamdaman niya at paghihiganti.

Hindi muna nalin siya pinansin para matauhan siya na hindi namin gusto ang pagbabago niya.

"Matt, pansinin na natin si joyce" sabi ni syrinne. Nandito kami ngayon sa classroom. Hindi kami pumunta sa canteen dahil alam naming naroon si Joyce

"Hayaan nalang natin siya" sabi ko pa. Nagtaka nga ako kanina kung bakit hindi siya pumasok.

Tapos nabalitaan ko nalang na nasa clinic siya. Hindi namin siya binisita para ma realize niya. Kahit gustong gusto na naming puntahin siya.

"Matt, Sy? Pinagtutulungan nila heven si joyce" agad akong napatayo sa aking narinig.

"Saan sila?" galit na tanong ko.

"Nasa Canteen" patakbo kaming pumunta ng Canteen gamit ang hagdan.

Sa sobrang galit ko ay hindi ko na naramdaman ang pagod na tinakbo ko pababa ang 5th floor hanggang sa Ground dloor. Puno ang Elevator.

Nang makarating sa Canteen ay nakita agad naming nagkakagulo sa loob. Naabutan ko nalang na tinulak ni heven si joyce dahilan para matumba ito.

Lumapit agad ako kay heven at sinabunatan ang buhok niya.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko hayop ka?" sigaw ko at hindi binitawan ang buhok niya.

"Aray, nasasaktan ako" reklamo niya.

"Masasaktan ka talaga dahil sa ka demonyuhan mong bruha ka" patapos kung binitawan si heven at muntik na siya matumba.

Nakita kung lumapit si syrinne kay heven at sinampal ito ng napakalakas dahil sa lakas ng tunog.

"Sa oras na may mangyaring masama sa kaibigan ko, magtago ka nalang dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo" sigaw ni syrinne at natulala lang si heven.

Binuhat agad ni Ken si Joyce na duguan ang ulo. Napatakip ako sa aking bibig. Oh my ghad!

"Sasakyan" sigaw ni ken at dali daling tumakbo si Tan palabas ng canteen.

Galit akong napalingon kay heven at patakbong sinugod siya.

"Hayop ka! Demonyo ka!" sigaw ko at sinasampal sampal siya ng mahiha siya sa sahig.

"Matt tama na" pigil sa akin ni syrinne pero hindi ako natinag hanggang sa hinawakan naako ni syrinne.

"Tama na, sumunod na tayo sa hospital. Mas kailangan tayo ngayon ni Joyce" tumayo ako at dali daling lumabas ng canteen sumunod naman sakin si syrinne

Naabutan namin pinasok ni ken si joyce sasakyan ni tan at dali daling pimaandar.

Sumunod naman kami ni syrinne gamit ang kanyang sasakyanz

"Kasalanan ko to" sabi ko sa kalagitnaan ng byahe.

"Hindi mo kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo"

"Sana hindi ko nalang siya iniwasan, sana hindi nalang natin siya iniwasan" sabi ko pa.

"Huminahon ka, wala tayong magagawa kung puro sumbat ang ating sasabihin" sabi ni niya kaya natahimik nalang ako.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay heven kung malala ang mangyari kay joyce. Kailangan pagbayaran niya ang ginawa niyang hayop siya.

Nakarating din agad kami sa hospital agad kaming bumaba ay dumiretso sa loob. Naabutan namin ang tatlo na nakatayo sa labas ng room.

"Saan na si anna?" tanong ko ka agad.

"Nasa loob chinicheck pa" sabi ni rhyz.

"Natawagan niyo na ba si tita?" tanong naman ni Tan.

"Hindi pa. Sy, tawagin mo si tita. Ipaalam mo sa kanya ang nangyari" utos ko at tumango naman siyang dali daling kinuha ang telepono.

Napaupo nalang ako sa sobrang hingal, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Sana maging okay lang siya" wala sa sariling sabi.

"Malakas si joyce, kaya niya ang sarili niya" pampalakas sa akin ni rhyz.

"Natakot ako dahil sa nagdudugo ang ulo niya." sabi ko pa.

"Magiging okay din siya" sabi namn ni tan.

Si ken tahimik lang mukhang malalim ang iniisip.

"Papunta daw sila tita pati si tito" biglang sabi ni syrinne at umupo sa tabi ko.

Napatayo kaming lima ng lumabas ang doctor galing sa loob ng kwarto.

"Kaano ano niyo ang pasyente?" tanong ng doctor.

"K..kaibigan niya po kami" si ken ang sumagot.

"Saan ang magulang ng pasyente" tanong ni doc at mas lalo akong kinabahan.

"Papunta na sila rito doc" sabi ni syrinne.

"Okay na po ba ang kaibigan namin doc?" di ko mapigilang magtanong.

"Malalim ang sugat niya sa noo at maraming dugo ang nawala. Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon" nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko.

"B..bakit doc?" utal na tanong ni syrinne.

"Hintayin muna natin ang mga magulang ng pasyente, tawagin niyo ko kapag dumating na. Maiwan ko muna kayo" tuluyan na akong nanghina sa aking narinig.

I'm sorry, Joyce.

Napatakip ako sa aking bibig at napahagulgol.

"Shhh... magiging okay din si Joyce, malakas siya" naiiyak naring tahan sa akin ni syrinne.

Sana nga...

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now