She was a wandering soul. Walang permanenteng pangalan at katawan. Hindi pagmamay-ari ang sariling alaala. Nakakadena sa kasunduang limot na. Lahat ay nagsimula nang mapadpad siya sa mundo ng mahika. Lady Gabrielle Lorelai Allard, ito ang kasalukuyan niya ngayong katauhan sa ikaanim na inkarnasyon. Siya ang unica ija sa mapagmahal na pamilya ng mga Allard ngunit sa kabila ng marangyang buhay ramdam niya ang pagkasawa sa siklo ng pagkamatay at muling pagkabuhay. Sa muling pagkikita sa elven na dahilan ng lahat ng kaniyang kamatayan, ginusto nalang niyang tumungtong sa ika-16 na taong gulang bago muling mamatay. Pero paano kung maghiganti siya? Nasa kaniya ang kaalaman buhat ng anim na henerasyon. Maging ang kaalaman mula sa mundong walang mahika. Paano kung tapusin na niya ang siklo ng limot na kasunduan?
15 parts