Chapter 12: Legacy

6 2 0
                                    

In the streets in front of the majestic Acadamé Lo Ceresa, a resounding sound was heard.

The marble-like metal gates of adamantium and mithril alloys finally opened.

The clandestine sight of the praised scholars was finally seen after 4 years.

While on his way to step outside, Zeke hesitated to stand still. Pinagmasdan niya ang mga karwahe't malawak na plaza. Puno ng mga maharlika't mga kawal ng kaharian.

"5 years of preparation, 4 years inside the academy. Maikli ang siyam na taon," aniya.

Maya-maya lumapit sa kaniya ang tatlo pang mga iskolar. "Kakalabas palang natin mamaya ka na maghanap ng babae. You know I'm always available right?" bungisngis ng babaeng nakasalamin.

"Translation! Me! Choose me!" sabat naman ng lalaking may matutulis na tenga at magulong itim na buhok.

"Thanks Awon," asiwang tugon tuloy ng babae bago mapang-akit na ngumiti sabay sabing, "available din naman ako for you."

Napatawa nalang ang panghuli nilang kasama. Sila sina Cyrus, Awon, at Marcov. Kasama si Zeke, tinatawag silang prodigal quartumvirate dahil sa angking mga husay sa swordmanship, healing, stealth arts, at magic manipulation.

"Naturingang healer mahilig sa lalaki. Ayoko nalang isipin kung anong mangyayari sa infirmary kung magkagiyera," biro ni Zeke. Sabay-sabay tuloy silang humagalpak ng tawa.

Pinagmamasdan sila ng mga nakapaligid na tao.

They're the elites of the academy founded by a scholastic and outstanding princess.

The world is waiting for the honor they'll give to the legacy of Princess Lo Xavieré

***

Ang taon ay 1699 C.E. Kinakaharap ng kontinente ang ganap na pagpapalit ng siglo.

Sa nakalipas na dantaon nasilayan ang pagbagsak ng huling mga kahariang elven at dwarven at ang pag-usbong ng sangkatauhan bilang mahuhusay na mahikero.

Mabilis ang naging pagbabago. Napagiwanan ang kahariang walang mga mage. Nagbago ang tingin ng lahat sa pisikal na lakas at mas humilig ang mga monarkiya sa pagpapayabong ng kaalaman sa mahika.

Idagdag pa ang pagkakadiskubre sa awakening crystals na nagresulta sa arcaniac revolution at kamatayan ng founder ng akademya.

Maaliwalas ang kalangitan. Makikitang mag-isang tinatahak ni Zeke ang mga kalye ng Olthread, siyang kapitolyo ng Ceresa na may bakas ng madugong nakaraan.

Hindi maiwasang mapatingin ng mga nakakasalubong niya dahil sa suot niyang itim na unipormeng simbolo ng pagiging mataas na uri ng iskolar.

Ngunit hindi din maiwasang isipin ng matatanda ang trahedyang naganap sa syudad para lamang sa unipormeng ito.

Napadaan siya sa isang masiglang kalye ngunit para bang isa siyang insektong pilit na iniilagan at iniiwasan ng lahat.

Maririnig ang langisngis ng mga niluluto ng ilang street vendors at ingay ng mga tindera ng hilaw na pagkain habang bakas ang pagbabago sa tono sa tuwing masisilayan siya.

Namumukod-tangi ang mga kalansing ng bakal sa malapit na blacksmiths habang nag-aayos o di kaya'y nagpapanday ng panibagong mga espada't kalasag. Pinasadahan niya ito ng tingin.

Maya-maya, may lumapit sa kaniyang maskuladong panday para mag-abot ng sira ngunit malinis na balabal. "Hindi ka ligtas sa kalsadang to bata," anito nang may bakas ng pag-aalala.

Sixth Incarnation [Hiatus]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu