Chapter 3: Kinship

23 3 0
                                    

"Magandang umaga Lady Lorelai, ako nga pala si Edward, ang iyong magiging bagong guro."

Pagpapakilala ng isang payat na lalaking nasa kalagitnaan ng trenta anyos.

"Ikinagagalak kong makilala ka," tugon niya sa ginoo. "Anong asignatura ang mga ituturo mo? "

"Mga simpleng asignatura lamang katulad ng pagbasa, pagsulat, kasaysayan, literatura, etiqueta, at matematika. Isang pribiliheyong dapat mong ikatuwa bilang babae."

Pagkasabi noon, saka niya lang pinakawalan ang mabibigat na titig sa lalaki.

"Pribiliheyong dapat ikatuwa bilang babae"

Kahit saang katauhan siya mapadpad at tagal ng panahong lumipas. Hindi nagbago kahit katiting ang lalaking 'to parang katulad lang ng mundong ito.

Mundong kahit kailan, hindi niya magawang gustuhin dahil sa halip ay gusto pa siyang patayin.

"I'm afraid you can't teach me more than I already know," aniya na bagamat boses bata, nagningas ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Narinig ko mula sa papa ko na isa kang mahusay na guro. Bigyan mo ko ng dahilang paniwalaan siya," dugtong niya na hindi kaagad nasagot ng lalaki.

"Wala akong kailangang patunayan sa isang paslit na wala pang nararating, " nakahalukipkip na sagot ni Edward.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo."

"Ngunit hindi ako pinagbawalang magsabi ng sariling opinyon."

"Kung gan'on, ipinagbabawal ko na ngayon."

"Lady Lorelai, hindi ikaw ang nagbigay sa akin ng trabaho kundi ang Marquess."

"Tch."

Sa huli, napatahimik siya para huminahon nang maisip na sinusumpong siya ng inis.

"Paumanhin, ginoong Edward. Magpapahinga lang muna ako saglit sa kuwarto ko."

"Ngunit ayon kay Lord Allard, ngayon ang simula ng pag-aaral mo. Ganito ba kairesponsable ang anak ng isang marquess? " Tugon sa kaniya ng ginoo.

Sa kasamaang palad, hindi na nakapag-isip pa ng isasagot ang bata at mas minabuti nalang na umalis.

Dahil na din siguro sa hindi mapigilang inis, hindi niya namalayang napadiretso siya sa sariling kuwarto.

"That bastard. Is he telling me I'm insignificant?"

Matagal na panahon na din magmula noong maranasan niya ang ganitong galit. Hindi niya din akalaing masasabihan siyang iresponsable ng isang taong kakakilala niya lang.

Ni hindi nito alam ang mga nagawa niya para sa iba. Kung sabagay, siya lang naman talaga ang makakaalam.

Nang maibalik siya sa kasalukuyan ng mga iniisip, napasabunot siya sa sarili at nagmamadaling pinagsasampal ang mukha.

Nakuntento lang siya nang makita sa salamin ang pamumula ng pisngi.

"You'll regret this."

Walang pag-aatubiling lumabas siya ng kuwarto at napatakbo papunta sa opisina ng ama.

Dahil walang gaanong tao sa mga pasilyo, walang makakapansin kung saan siya nanggaling. Ang ipinag-aalala niya nalang ay kung maunahan siya ng lalaking iyon.

"Lorelai anong problema?"

Tawag sa kaniya ng ina na nasa tapat ng opisina.

"Mama!" Iyak niyang takbo roon bago napayakap ng mahigpit at subsob ng mukha.

"Stella, anong nangyari kay Lorelai?" Tanong naman ng amang kakalabas lang, "hindi niya ba nakita ang iskolar na ipinadala ng akademya?"

"Hindi ko din alam, basta nalang siyang napayakap sa akin."

***

Pagkalipas ng isang oras pagkatapos ng insidente, hindi siya umalis sa tabi ng asawa ng marquess.

Nang subukang kausapin, saka nakita ng mag-asawa ang namamagang mukha niya kaya padarag na umalis ang ama niya.

Hindi rin naman siya nagsalita kahit na ilang beses pa siyang tanungin at kahit na silang dalawa nalang ng ina ang magkasama.

Sapat na ang mga iyon para makuha niya ang gusto niya.

Maya-maya pa, inaya siya ng ina na umupo sa sofa sa loob ng opisina. Hindi naman siya tumanggi at nagpaubaya lang habang mahigpit ang kapit sa palda ng magulang.

"Gusto mo bang kumain? Magpapatawag ako ng katulong, " nag-aalalang tanong ng ina na hindi niya sinagot. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagsubsob at pag-arte.

"Sandali lang, tatawag ako ng katulong," pagpapaalam sana nito ngunit mas hinigpitan niya ang kapit sa bestida.

"Ayos lang Lorelai, 'wag kang matakot."

Sa huli, napabitaw din siya at napatakip ng mukha gamit ng  dalawang kamay. Sa ilalim noon ay ngisi.

"Huwag matakot... What a joke," Sa isip-isip niya.

Hindi nagtagal pumunta na din ang magulang niya sa pinto nang masiguradong okay lang ang anak.

Ngunit hindi pa man nakakalabas, siya namang dating ng dalawang personal na guwardiya ng pamilya habang hawak sa magkabilang braso ang bago niyang guro.

"Marchioness Stella, anong nangyayari?" Tanong ng lalaki na hindi naman nito pinansin.

"Bakit niyo siya dinala dito?" Tanong ng ina niya sa mga kabalyero.

"Paumanhin Lady Stella, ipinag-utos ng Marquess na dalhin siya dito kung sakaling matunton," sagot naman ng kabalyero na hindi niya kinibo at sa halip ay tinitigan ng masama si Edward.

Natigil lang ang mga titig na iyon nang mapabalikwas siya nang maramdamang muling kumapit sa bistida niya ang anak.

"Lorelai..." Anito nang makitang muling nagtago ng mukha ang anak.

Ilang sandali lang, ngumiti ang ina niya at napayuko para harapin ang nakatakip na anak.

"Lorelai, makinig ka kay mama ha?" Anito na tinanguan naman niya habang nakasilip pa sa pagitan ng mga daliri.

"Takpan mo ang tainga mo nang maigi. Huwag mong aalisin hanggang hindi pa sinasabi ni mama okay?" Dugtong pa nito na muli niyang tinanguan.

Nginitian niya pa nang matamis ang anak nang makitang sinunod kaagad siya nito.

Mabilis din namang nagbago ang ekspresyon ng ina niya nang tumayo at titigan muli ang lalaki.

"Dalhin niyo siya sa pasilyo at pugutan," malamig nitong utos.

"Marchioness Stella! Sandali! Wala akong kasalanan! Anong nangyayari?! Pakiusap Marchioness!"

Hindi nagtagal, pagkatapos ng pagkasarado ng pinto at ilan pang mga kalabog, tumahimik ang paligid.

Saka lang siya iginaya ng ina pabalik sa upuan at pinatanggal ang mga takip sa tenga.

"'Wag ka nang matatakot ulit Lorelai ha? Nandito si mama," bulong pa ng marchioness at inalo ang anak.

__________

Chapter III: Kinship
__________

We're tied more than blood ties and ancestry.

Sixth Incarnation [Hiatus]Where stories live. Discover now