Chapter 8: Ranked

15 2 3
                                    

Sumapit ang unang araw ng tag-lagas. Eksaktong limang araw pagkatapos ng naging unang pagtakas niya sa manor ng mga Allard.

Naging abala ang mga nasa loob ng mansyon para sa gaganaping handaan sa kaarawan niya.

Sa sobrang abala, walang nakapansin sa malaking sugat niya sa tiyan. Hindi naman sa nagtatampo siyang hindi nabibigyan ng atensyon, nahimasmasan lang siya nang mapagtantong mag-isa parin siya sa mundong iyon.

Kahit na ganoon, ikinagalak parin niya ang naging takbo ng linggo lalo na at nagkaroon pa siya ng ikalawa at ikatlong pagkakataong makalabas.

At sa mga pagkakataong iyon, unti-unti niyang nagawan ng paraan ang mga naging pagkukulang sa unang disguise.

Katulad na lang ng pagpeke niyang magkaroon ng maikling buhok at pagsusuot ng mas epektibong balabal.

Sa abot ng nalalaman niya, hindi na nadagdagan ang mga nakabuking sa mga madalas niyang pagtakas.

Sapat na ang mga iyon sa ngayon.

Ang mas malaking problemang kinakaharap niya ay ang anak ng isang kilalang viscount, Damian Keitford. Isang aroganteng batang nasa kalagitnaan na ng trese anyos.

Hindi niya akalaing sa lahat ng posibleng pagkakataon, nakatagpo niya pa ito noong mga panahong hindi pa maayos ang sariling pagbabalat-kayo.

Nakita nito ang buong mukha niya at higit sa lahat, hindi pa madaling malimutan ang unang pagkikita nila.

Kung hindi lang sana humantong sa bayolenteng pagwasiwas ng espada ang pangyayaring iyon, siguro ay hindi na siya mamomroblema pang maalala nito ang itsura niya.

Ngunit kahit anong malalim na pagiisip pa man ang gawin niya, hindi na niya mapipigilan ang pagdalo ng anak ng viscount lalo na at kasama ito sa mga naimbitahan.

Ngayon nalang ulit niya naalala kung gaano siya kainis sa pormalidad sa tinagal-tagal ng panahon.

Dahil doon, naisip niyang iasa nalang sa magarbong pagdadamit sa kaniya ang lahat. Kung hindi man niya nagawa ang tamang pagtatago sa isa niyang persona, mas mabuti na'ng gumawa siya ng temporaryong ipapampatong doon para lang sa okasyong ito.

"Napakaganda mo lady Lorelai. Kahawig mo ang marchioness," papuri pa sakaniya ng nagsusuklay na alalay.

Hindi naman niya ito inimik at sa halip ay napamasid nalang sa sariling mukha.

"Does it matter? I'm just lucky enough to have this genetic pool," sa isip-isip niya pa.

Sa makailang beses ba namang lumipat siya ng katawan, bakit hindi siya mawawalan ng gana sa ganoong mga bagay?

Ngunit hindi rin naman maitatangging mas pabor siyang magkaroon ng disenteng itsura.

"Madami bang bisitang dumalo?" Tanong ni Lorelai.

Sakto namang dumating ang ina niyang nakagayak na nang maayos habang suot ang nagniningning na pulang bistida.

"Hindi mo na 'yon dapat na ipag-alala Lorelai. Sasamahan kita sa kabuuan ng handaan kung gusto mo," anito at kaagad na napalapit sa anak.

Muli ay hindi siya nakaimik, nahatak lang ng malalim na pagiisip.

Kung totoo ngang samahan siya ng ina at madiskubre nito ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Damian, hindi niya alam kung ano nalang ang mangyayari sa pamilya Keitford.

Bukod doon, inaalala niya din ang pangako kay Zeke.

Ayos lang naman sa kaniyang maputulan ng kamay si Damian dahil sa ginawa. O maski daliri lang ay tatanggapin na niya.

Sixth Incarnation [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon