Chapter 6: Knight

12 2 0
                                    

Nagawa niyang makalabas ng mansyon sa tulong ng matataas na punong katabi ng pader ng hardin nila.

Sa tulong ng taling itinago sa damuhan, nagawa din niyang makababa nang maayos.

Hindi din naman siya nagkaroon ng problemang maghanap ng masasakyang karwahe lalo na at madali niyang narating ang isang pangunahing kalsada.

Sa nakalipas na anim na taon, ngayon nalang ulit siya nakaramdam ng excitement. Kahit na sa simpleng pagtakas lang, magiging malaya siya sa loob ng ilang oras.

Kung tutuusin ay wala din namang makakaalam na sabik siya dahil katulad ng dati, suot niya ang ekspresyong hindi gustong makipagusap.

Sa kabilang banda, sinong may pakialam? Wala naman talaga siyang planong makipagusap ngayong araw.

"Hanggang dito nalang tayo," baling sa kaniya ng kutsero.

Imbes na sumagot, tumango lang siya at nag-abot ng tatlong tanso bago bumaba.

Sa puntong iyon, nilanghap niya ang simoy ng isang mayabong na kalye bago mapaayos ng paglakatakip sa ulo ng balabal.

Nang tingnan ang mga halaman sa paligid, mababakas na ang pagdating ng tag-lagas dahil sa naninilaw na mga dahon.

Mga taong abala sa pamimili at trabaho, mga batang nagtatakbuhan, mga karitong puno ng prutas at gulay.

Isama pa ang mga naglipanang magnanakaw. Walang kaalam-alam ang mga biktimang wala na silang perang pambili.

Napakurba nalang ang dulo ng labi niya sa pamilyar na kapaligiran.

Kung tama ang pagkakaalala niya, sa unang incarnation siya unang naging magnanakaw.

Kung hindi lang siya namatay dahil sa sobrang paggamit ng mahika noong mga panahong iyon, baka naging propesyonal pa siyang kriminal.

Kalaunan, nagsimula na siyang maglakad sa mga kalye ng Guild district.

Hindi katulad ng mga kalsadang pinanggalingan niya, bihirang makita ang mga pangkaraniwang tao sa mga kalye ng distrito.

Kung mayroon mang mapapadaan ay tindero o kaya naman ay kargador.

Mas lamang sa paningin niya ang mga nakikitang kabalyero, mersenaryo, mage, priest, at iilang mga nakataklob ng cloak katulad niya.

Maski ang mga taong malapit sa edad ng katawan niya ay bilang lang sa kamay. Hindi din naman bababa sa sampung taong gulang ang mga iyon.

Kung mayroon man ay mga batang sinusundo lang ang magulang mula sa trabaho. Ano pa nga bang maaasahan sa ganitong klaseng lugar.

Nagpatuloy siya sa paglalakad lampas ng mga sangay ng mga kilalang merchant's guild para mapuntahan ang pakay.

Nagmadali siya lalo na at apat na oras lang ang mayroon siya bago umuwi. At sa apat na oras na iyon, isang oras ang nagamit niya sa pag-aayos lang ng buhok.

Masyado nang okupado ang panahon niya para hindi matuloy ang paghahanap niya ng tagapagsanay ngayong araw.

Ngunit dahil sa pagmamadaling iyon, nabunggo siya ng kung sinong mas malaki sa kaniya.

Natumba siya paupo at naalis din pati ang pagkakatakip ng balabal sa ulo niya. Dahil hindi sanay ang katawan sa pisikal na sakit, sandali niya pang ininda ang pagkakabagsak.

Saka lang siya napatingin sa bumunggo nang tawagin siya.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Ani nito.

Mula sa tangkad at pananamit nito, mabilis niyang nasabing mga nasa edad labin-tatlo na ang lalaki. Nang makitang may espada itong bitbit, pumasok din sa isip niya ang ideyang anak mayaman ang kaharap.

Sixth Incarnation [Hiatus]Where stories live. Discover now