Chapter 5: Delinquent

13 1 0
                                    

"Kamusta ang naging lakad mo Lorelai? Napagod ka ba sa biyahe?" Tanong ng ama niya nang puntahan siya sa kuwarto.

"Ayos lang po. Kadikit lang din naman ng Fontes ang Scarl'lette kaya hindi ganoon katagal ang biyahe," sagot naman niya bago mapaatras mula sa pagtanaw sa balkonahe.

Kakatapos lang ng hapunan noong mga oras na iyon at malamig na din ang hangin.

Magmula noong naging usapan nila ng umaga, hindi nagawang makapagusap nang maayos ng dalawa.

Kung tutuusin, mas maayos pa ang mga normal na araw kung saan bihira siyang magsalita at palangiti lang. Hindi niya rin naman masisisi ang bagong magulang kung nagaalala ito.

"Hindi ka ba natatakot sa dilim Lorelai?" Tanong ng ama niya nang humakbang papasok sa madilim niyang kuwarto.

"Dapat po ba?" Ang nasabi niya.

Sa puntong iyon, nakita niya ang multo ng ngiti mula sa labi ng ama sa kabila ng dilim.

"I wonder. Dapat nga ba?" Kausap sa sarili ng marquess.

"Papa, pumunta ba kayo dito dahil sa napagusapan noong umaga?" Tanong niya nang natulala na sa kawalan ang ama.

"Ahh. Tungkol doon, gusto ko lang humingi ng tawad. Afterall, hindi kayang ibigay ng mga magulang mo ang lahat para sa iyo," anito.

Hindi naman siya umimik at mataman lang na tumitig sa mukha ng amang nakatago sa dilim.

"Noong nasa biyahe kami ng mama mo, naisip ko na kahit paano dapat ay may regalo akong pampalit sa gusto mo. Kaya heto," dagdag nito at lumapit sa kaniyang may bitbit na kahon.

Kahit na lito, lumapit siya sa ama at kinuha ang kahon.

Noong una nagdalawang isip pa siyang buksan ito pero nang makuha ang pag-sang ayon ng magulang, walang pagaatubiling inalis niya ang ribbon at binuksan ang kahon.

"Isang wand?"

"Advance happy birthday Lorelai," bati ng ama niya.

"Pero bakit po? Hindi niyo manlamang alam kung may kapangyarihan ako pero ibinili niyo na ako ng wand?"

"Isa akong marquess Lorelai. Higit pa sa pagiging marquess ay isang Allard. At higit pa sa pagiging Allard ay ama mo," paliwanag nito at lumuhod sa harapan niya.

"Hindi ka na nila kailangan pang pagekspirementuhan para masabing espesyal at may mahika ka. Alam kong may mahika ka."

"Alam ko ding espesyal ka."

Anito nang pagod na nakangiti.

Sa hindi maintindihang dahilan, inis lang ang naramdaman ni Sofia.

***

Kinabukasan, maagang umalis ang ama niya nang ipatawag sa palasyo ng hari. Hindi din naman siya ganoon kainteresado kaya mas inintindi nalang ang ibang bagay.

Sa kabilang banda, hindi naman magkanda-ugaga ang marchioness para sa preperasyon sa dadating na kaarawan niya limang araw mula ngayon.

Walang nakakatakas sa pagiging metikulosa ng ina niya lalo na at ika-anim na kaarawan niya ang paparating.

Kahit na mga imbitasyon ay personal pang sulat kamay ng marchioness.

Pero sa kabila ng pagiging abala ng mga magulang, nagkakaroon parin siya ng libreng oras kasama ang kuya.

Lalo na at ipinatigil muna ng mga magulang nila ang mga klase niya para maihanda ang isip sa selebrasyon.

Sixth Incarnation [Hiatus]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें