Chapter 13: Sentiments

3 1 0
                                    

Siyam na taon na ang lumipas. Isang taon pa at matatapos na ang palugid na hiniling ni marques Allard para maiwasan ang pag-aalay ng buhay ni Lorelai kay Kahlil.

Sa kabila ng nangyaring marahas na sagutan sa opisina ng marques, naging tahimik ang marques at prinsipe patungkol sa nangyari.

Umaktong normal ang dalawa sa harap ng ibang tao nang itinatago ang makasalanang planong paghihiganti. Paghihiganting idinamay siya.

"Anak, ipangako mong wala kang ibang pagsasabihan. Mapapahamak lamang sila at ang iyong ina at kuya."

Pagkatapos ng maulang araw na iyon, unti-unting nagbago ang Fontes marquessate.

Tuloy-tuloy ang naging pag-unlad ng teriyoryo sa kabila ng pagiging mailap ng pamilya Allard. Umusbong ang bagong mga kalsada at rutang papasok at palabas ng Ceresa na nakatulong sa paglalakbay patungong ibang lupain. Nagsilbing panibagong sentro ng komersyo ang Scarl'lette na itinuring na pangalawang kapitolyo ng kaharian. Nagsidatingan ang merchants mula kanluran at naibahagi ang iba't-ibang kaalaman at kultura.

Alam ng lahat na malapit nang ideklarang duke si Balmond dahil sa mga karangalang ito, idagdag pa ang karanasan sa pagsakop sa Regalia.

Baron > Count > Marques > Duke > King

Kung sakali mang maging duke siya, magagawa niyang labanan ang Cloverhaus na kaalyansa ni Kahlil. Baka sakaling makuha niya pa ang tiwala ng ibang dukes.

Ngunit habang nangangarap sa pwersahang planong ito, saka siya napaalalahanang tuso ang dark elven prince.

"Sulat mula sa Hound Forest, my lord," ani ng butler.

Napatigil naman si Balmond sa pagbabasa sa mga dokumentong nasa lamesa.

Isang sulat ang dumating mula sa Hound Forest na teritoryo ng natitirang dark elves ng kontinente. Masasamyo pa ang amoy ng maalamat na hamog ng kagubatan sa lalagyan ng liham.

Makikita sa nanliliit niyang mga titig ang suspisyon. Anong pakay ni Kahlil?

"Isarado mo ang mga bintana't pinto," utos niya.

Kaagad namang sumunod ang butler sabay sindi sa isang gasera.

"Mana scield," lumutang ang mga nagliliwanag na letra ng mana sa kapaligiran, nagkaroon ng barrier sa silid. Nag-cast ng barrier spell ang marques.

Nag-aalangan man, binuksan at mataman niyang binasa ang liham...

Kapitapitagang marques Balmond Allard, pagbati mula sa hari ng mga itim na dwende.

Matagal na panahon na magmula nang huli tayong nagkita. Kamusta na? Nabalitaan ko ang tungkol sa pag-unlad ng Fontes na nagsisilbi na ngayong importanteng haligi ng kaharian ng Ceresa.

Don't you think it is already time to start our preparations? I am more than willing to cooperate. More than willing to kill him. More than willing to lend the power of my humble mercenary kingdom.

Kaya kung iyong pahihintulutan oh dakilang swordmage, marques Balmond Allard, hinihiling kong makaisang dibdib ang iyong unica ija lady Gabrielle Lorelai Allard.

Sumasaiyo, king Kahlil Arfel

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sixth Incarnation [Hiatus]Where stories live. Discover now