Chapter 2: Allard

29 4 0
                                    


Napabalikwas siya ng bangon nang bangungutin ng nakaraan.

"Kahlil..."

Bulong niya pa habang nakatulala sa kawalan.

Ilang taon na nga ba ang nakalipas magmula noong unang beses siyang namatay?

Kahit lumipas na ang higit sa tatlong siglo, sariwa parin sa isip niya ang mga nangyari. Ngiti, tawanan, asaran, kirot, pighati, at pangta-traidor.

Sa pag-alala sa mga iyon, naninikip lang ang dibdib niya.

Gusto niyang makalimot ngunit mga alaala nalang ang tanging pinanghahawakan niya.

Kung tutuusin, hindi na niya kailangan pang hilingin na makalimot dahil sa bawat pagkamatay niya, nababawasan ang mga natatandaan niya.

Kalaunan ay napabalik na din siya sa sa sarili at napatingin pa sa braso para siguraduhing maayos lang ito.

Napabuntong-hininga nalang siya sa sarili nang makitang wala namang dapat na ipag-alala.

Noong mga oras na iyon, madilim pa ang kapaligiran at makikitang sinag mula sa buwan ang sumisiwang sa bintana ng silid niya.

Dahil sa napaginipan, naisipan niyang huwag nang ituloy ang tulog at sa halip ay magmuni-muni nalang.

Hinawi niya ang makapal na kumot bago tumayo at iwanan ang malambot at komportableng higaan.

Nang makatayo, sandali niya pang inayos ang gusot ng suot na pantulog bago naglakad patungo sa balkonahe.

Sa sandaling mabuksan ang pintuan, kaagad na eleganteng nagsayawan ang mga kurtina sa loob ng kuwarto habang yinakap naman siya ng malamig at sariwang hangin ng gabi.

Tinamaan din ng sinag ng buwan ang kulay lila niyang mga mata at maputing kutis na higit pang binigyang diin ng bumibigwas na mahabang itim na buhok.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ng kapayapaan ang kalooban niya.

Noong una ay nagdalawang isip pa siya sa nararamdaman. Ilang beses na siyang napahamak nang dahil sa emosyon kaya ganoon na lang ang pagdududa niya sa sarili noong mga oras na iyon.

Ngunit nang nagtagal, napaisip siya kung bakit pinagiisipan niya ng malalim maging ang pagtambay lang sa balkonahe.

Sa huli ay nagpadala nalang siya sa tawag ng sariwang hangin at napahakbang pa malapit sa mga barandilya.

Mula doon ay naupo siya sa dulo at inilambitin ang maliliit na binti nang parang nasa duyan.

"Lady Lorelai, anong ginagawa niyo riyan?" Rinig niyang boses ng lalaki kaya kaagad siyang napabawi ng mga binti sabay tago sa likod ng mga barandilya.

"Nakikita kita munting binibini, bakit ka gising ng ganitong oras?"

Nang marinig iyon, napasuko siya at napatayo kaagad mula sa pinagtataguan. Hindi niya din naman maintindihan ang sarili kung bakit otomatikong napatago siya.

Siguro dahil likas na ugali ng mga bata.

"Hindi po ako makatulog," pagdadahilan niya sa personal na guwardiya ng bagong pamilya niya.

"Gusto mo bang ipatawag ko ang katulong?" Alok naman ng guwardiya na magalang niya lang na tinanggihan.

"Malaki na ho ako para dumepende pa sa katulong."

Sa sinabi niyang iyon, napatawa sa kaniya ang lalaki at napalapit pa sa ibaba ng balkonahe.

Tanggap naman niya ang naging reaksyon nito lalo na at siya lang ang nagiisang nakakaalam ng sariling sikreto.

Sixth Incarnation [Hiatus]Where stories live. Discover now