Kabanata 19

10.3K 349 208
                                    

Habang natutulog si Kale sa tabi ko ay sinimulan ko nang suotin ang mga damit ko at nagmadali na akong umalis sa bahay nila hangga't hindi pa siya nagigising.

Nang makasakay na ako sa isang taxi ay doon ko na ibinuhos ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Masyado akong nadala sa pangyayari at alam kong mali iyon dahil wala pa kami sa tamang edad at hindi pa kami kasal. Pagkarating ko sa bahay namin ay kaagad akong dumiretso sa loob ng kwarto ko at doon ay umiyak ako ng umiyak.

Masyado kong inaalala iyong nangyari sa amin ni Kale saka ko naisip ang mararamdaman ni Ash kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ni Kale.

Napakatanga ko talaga! Wala na akong ibang ginawa kundi ang saktan ang damdamin niya. Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko at nagulat ako nang si Tito Wilbert ang tumatawag. Kaagad ko naman itong sinagot.

"H-hello, Tito?" sabi ko sa kabilang linya.

(Bliss, I'm begging you.. balikan mo na ang anak ko. He's in the hospital right now.)

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Tito Wilbert.

"A-ano pong nangyari kay Ash?" Tanong ko at hindi ko na mapigilang kabahan.

(He overdosed his self and he attempt to suicide. Simula nung naghiwalay kayo ay palagi na siyang nagkukulong sa loob ng kwarto niya. Hindi na rin namin siya makausap ng maayos. He was hurt because of your break-up with him.) Tito Wilbert said.

Tuluyan naman akong nanlumo sa sinabi ni Tito Wilbert. It's my fault kung bakit nagkakaganoon si Ash.

"Nasaan po ba kayong ospital? Pupuntahan ko po siya." tanong ko.

(We're here at St. Lukes hospital. Hihintayin ka namin, Bliss.)

"Okay po. Salamat po, Tito."

Nanginginig kong pinatay ang tawag at nagmadaling maligo at mag-ayos para puntahan si Ash sa ospital. Nang matapos na ako ay kaagad na akong umalis ng bahay at nagtaxi nalang papunta sa ospital na tinutukoy ni Tito Wilbert.

Pagkarating ko sa St. Lukes hospital ay kaagad kong tinanong sa help desk ang room number ni Ashton Melendrez at binigay naman nila ito sa akin. I'm shaking in fear right now habang tinutungo ko ang confine room ni Ash.

Nang marating ko na iyon ay nasa labas ng confine room sina Tita Asra at Tito Wilbert. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at laking gulat ko nalang nang sinampal ako ni Tita Asra.

"It's your fault kung bakit nagtangkang magpakamatay si Ash! Kung hindi mo sana siya hiniwalayan ay hindi siya magkakaganito nang dahil sa'yo!" Sigaw ni Tita Asra sa akin habang umiiyak siya.

Pilit siyang pinapakalma ni Tito Wilbert habang ako naman ay napayuko nalang habang umiiyak na rin.

"S-sorry po, Tita..." Umiiyak kong sabi.

"Sorry? Your sorry was not enough to heal my son!" Sigaw ulit ni Tita Asra sa akin.

I understand Tita Asra. She's mad because she loves Ash very much. Kasalanan ko naman talaga ang lahat at wala akong karapatang magsalita nang hindi maganda sa kanya.

"Bliss, go inside, please?" Mahinang sabi sa akin ni Tito Wilbert na pilit pa ring pinapakalma si Tita Asra at sinenyasan na akong pumasok na sa loob ng confine room ni Ash. Tumango naman ako bilang sagot.

Pagkapasok ko sa loob ng confine room ay nadatnan ko si Ash na tila nakatulala lang sa kawalan. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa edge ng kama niya.

"Ash,"

Lumingon siya sa akin at mukhang nagulat ito nang makita ako.

"Bliss? Is that really you?" Nakangiting sabi niya.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now