Kabanata 18

11.4K 395 134
                                    

Warning: SPG

Ngayon ay nasa presinto ako kasama si Kuya Andrei at dahil ako ang nag-request na makausap ko si Kuya Argel ay walang nagawa ang kapatid ko kundi ang pagbigyan ako sa kagustuhan ko. Ayaw niya akong dalhin dito pero nagpumilit ako kaya napapayag ko rin siya sa huli.

Sinabi ko muna kay Kuya Andrei na iwanan kami ni Kuya Argel para makapag-usap kami nang kaming dalawa lang. Tinitigan niya muna ng masama si Kuya Argel bago siya umalis at sinabi niyang hihintayin niya nalang ako sa labas ng presinto. Tumango naman ako bilang sagot.

Kaharap ko ngayon si Kuya Argel na pilit iniiwas ang tingin niya sa akin. Bakas pa ang mga sugat at pasa niya sa katawan sa ginawa sa kanyang pambubugbog ni Kale.

Hindi ko aakalain na sa tinagal-tagal na namin siyang kakilala ni Kuya Andrei ay magtatangka siyang pagsamantalahan ako. Masyado kaming nagtiwala sa kanya.

"Why did you do that?" Malungkot kong tanong kay Kuya Argel.

Huminga naman siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko.

"Nandito ka lang ba para sumbatan ako sa ginawa ko sa'yo? I didn't regret what I did to you. Ayon lang ang paraan ko para hindi ka maagaw ni Ash sa akin." Sabi naman niya at tinitigan ako ng mariin.

"Sa ginawa mo, hindi ko alam kung mapapatawad pa ba kita, Kuya Argel. I-I trust you pero,"

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil bumibigat ang pakiramdam ko. Masyado akong nasaktan sa ginawa ni Kuya Argel sa akin at siguro kung hindi ako nailigtas ni Kale ay tuluyan nang masisira ang buhay ko.

Tumawa naman si Kuya Argel ng mahina sa sinabi ko. "I like you, Bliss but your brother always keep on saying na hindi kita pwedeng ligawan dahil may usapan kami na hindi ko siya tataluhin because of our brother's code. I'm attracted and in love with you pero pinigilan ko 'yon sa matagal na panahon." Umiling siya at tumiim-bagang.

"Then suddenly, naging boyfriend mo na si Ash. You didn't know how much I suffered nang malaman ko 'yon mismo kay Andrei. He knows that I like you but he can't do anything about that. Ang akala ko ba ay best friend niya ako pero bakit ipinagdadamot ka niya sa akin?" He let go a little laugh again.

I didn't know why he'd fell in love with me. Kuya Argel is such a gentleman, handsome and cool guy pero nabawasan na rin ang paghanga kong iyon sa kanya because of what he did to me.

I sighed. "If you're in love with me, sana'y hindi mo na ginawa 'yon sa akin. I envy you so much, Kuya Argel but you broke my trust."

He looked at me and I can see the sadness and disappointment in his eyes.

"H-hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ko nagawa 'yon sa'yo but one person said to me that I need to get what I want dahil baka pagsisihan ko lang sa huli ang lahat." Sabi niya na ikinahinto ko.

"Who said that?" Nagtataka kong tanong.

"Someone called me on the phone and he talked to me kahit hindi ako nagsasalita nun sa kabilang linya. He knows me but I don't know him dahil unregistered ang phone number niya. He triggered me so much that's why nagawa ko ang bagay na 'yon sa'yo, Bliss."

Sino naman kaya iyon? What was his purpose para kausapin si Kuya Argel nang ganoon?

"Pero kahit na, kung mahal mo ako ay hindi mo na sana magagawa sa akin 'yon kahit may iba pang nagsabi sa'yo." sabi ko.

Hindi naman sumagot si Kuya Argel sa sinabi ko at napayuko nalang ito.

"I know you can't forgive me anymore after what I did to you at wala rin akong pakialam kung makulong man ako. Mas mabuti na nga 'yon kaysa makita ko ang mga magulang kong palagi nalang nag-aaway because of their pride and wealth." He chuckled.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon