Kabanata 10

13.9K 454 156
                                    

Dahil sa ginawa ni Ash na pananakit kay Kale ay hindi ko na muna siya pinapansin. Kahit texts at tawag niya ay hindi ko rin sinasagot.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya at hindi iyon ang Ash na una kong nakilala. Kahit kailan ay hindi nanakit ng tao si Ash pero ngayon ay ginawa na niya.

And about Kale, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng mga sinabi niya sa akin kahapon.

He said that he will do everything to get me pero paano iyon kung may boyfriend na ako?

Pinapasakit niya lang lalo ang ulo ko, e!

Mabuti nalang at Sabado ngayon kaya hindi ko muna siya makikita. Masyado lang akong nalilito sa mga nangyayari pero kahit papaano ay napanatag naman ang loob ko nang ikwinento niya sa akin ang nakaraan niya and it means that he trust me.

"Bliss? Nandyan si Ash sa baba kasama sina Governor at Tita Alora. Gusto ka raw nilang makausap." Sabi ni Kuya Andrei nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko.

Gusto nila akong makausap? Pero bakit pati sina Tito Wilbert at Tita Alora ay nandito rin ngayon?

"Bakit raw?" Tanong ko kay Kuya Andrei.

Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know but they brought many foods downstairs. Bumaba ka na dahil hinihintay ka nila."

Ayon lang ang sinabi niya at pagkatapos ay umalis na rin siya sa loob ng kwarto ko.

Kahit nagtataka ako na pinuntahan ako ni Ash kasama ang mga magulang niya dito sa bahay namin ay nag-ayos nalang rin ako ng sarili ko pagkatapos ay bumaba na ako sa kwarto ko.

Pagkarating ko sa living room namin ay nagulat ako sa dami ng pagkaing dinala nila Ash at ng parents niya na nakalagay sa table namin. Ang iba pa ay hawak ng mga tauhan ni Tito Wilbert.

Kausap nina Mama at Papa ang parents ni Ash at nang makita naman ako ni Ash na papalapit sa kanila ay ngumiti siya sa akin at kaagad akong sinalubong ng yakap.

Hindi naman ako makagalaw kaagad dahil sa ginawa niya.

"I'm so sorry, Bliss. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko kahapon." Sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin ito.

Hindi ako sumagot hanggang sa siya na ang unang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

He looked at me with his sad eyes. "Are you still mad at me?" Malungkot niyang tanong.

I sighed. "Hindi naman, Ash pero-"

"Bliss, kami na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Ash. We went here para personal na humingi ng tawad sa ginawa ng anak namin sa kaklase niyo. Sana naman ay patawarin mo na siya." Pagsabat ni Tita Alora at nilapitan niya ako.

So, alam na pala nila kung bakit hindi ko pinapansin si Ash.

Nang tumingin ako kina Mama at Papa ay tahimik lang sila habang si Tito Wilbert naman ay nakangiti sa akin.

Hindi pa rin ako sumasagot hanggang sa bumuntong-hininga si Tita Alora at umikot ang mga mata niya.

"Can we talk, Bliss? Mag-usap tayo nang tayong dalawa lang." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Tumango naman ako. Sandali muna kaming iniwan nila Mama, Papa, Ash, Tito Wilbert at mga tauhan niya sa may living room.

Binuksan ni Tita Alora ang dala niyang pamaypay at umupo siya sa sofa namin. Tinuro naman niya ang kabilang upuan kung saan ay doon ako mauupo.

"Hija, ano pa bang gusto mong mangyari? Nagpunta kami dito para humingi ng tawad dahil sa ginawa ni Ash sa kaklase niyo tapos ayaw mo pa rin siyang patawarin?" Sarkastiko niyang sabi at pinaikot na naman niya ang mga mata niya.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon