Kabanata 1

24.8K 676 63
                                    

Dire-diretso lang ang paglalakad ko habang iniiwasan ko ang mga pagtitig sa akin ng mga estudyanteng nadaraanan ko.

Sa loob ng tatlong taon ko bilang high school student ay sanay na sanay na ako sa atensyon na nakukuha ko sa paaralan namin.

They said that I'm the prettiest girl in our school pero wala naman akong pakialam doon dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral. My family was not that rich at nasa middle class lang ang pamumuhay namin kaya gusto ko silang matulungan sa pamumuhay namin pati na rin ang panganay kong kapatid na si Kuya Andrei.

Maraming nagtangkang manligaw sa akin pero ni isa ay wala pa akong nagustuhan including my bestfriend/suitor named Ashton.

Ashton Melendrez or Ash for short is my best friend for a long time at kababata ko rin siya. When we were in second year high school ay umamin siya sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong ligawan but I'd rejected him at sinabi kong hanggang best friend lang talaga ang tingin ko sa kanya.

He said na okay lang raw iyong rejection ko at patuloy pa rin niya akong magiging best friend hanggang sa tuluyan ko siyang magustuhan.

Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Ash sa akin pero hindi ko naman mapipilit kaagad ang puso ko na mahalin siya.

He's handsome and kind at halos lahat ng babae sa paaralan namin ay nagkakagusto sa kanya pero ang sabi niya ay sa akin lang raw siya tinamaan ng sobra.

Wala akong masabi noong time na umamin siya ng nararamdaman niya para sa akin pero nginitian lang niya ako non at sinabing huwag ko nang alalahanin pa ang ipinagtapat niya sa akin.

Ako nga pala si Bliss Santiviel, 16 years old at isa akong 4th year high school student sa Southern Academy.

"Bliss!"

Habang naglalakad ako patungo sa unang klase ko ay nakita ko namang naglalakad papalapit sa akin si Ash.

Nakita ko pang napalingon sa kanya ang mga estudyanteng babae na halata namang may gusto sa kanya pero hindi niya ito napapansin dahil sa akin lang nakatuon ang atensyon niya.

Nginitian ko naman siya nang makalapit na siya sa akin.

"Ash, ikaw pala. Saan ang unang klase mo?" Tanong ko.

Bigla naman niya akong inakbayan at nginitian rin.

"I'm going to Class 4-A and I saw your name on that class, too so sabay na tayong pumasok?" He asked.

Tumawa naman ako at tinanguan siya. "Sakto pala at magkaklase kaagad tayo sa first day of class natin."

"Yeah, that's why I'm very happy."

Bigla ay tinitigan niya ako na ikinailang ko.

"A-ah, tara na?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti naman siya kaagad at sabay na nga kaming naglakad papunta sa unang klase namin.

Pagkarating namin sa classroom ay naupo kami ni Ash sa second row ng pinakahuling upuan. Ramdam ko naman ang pagtitig sa amin ng mga kaklase namin pero hindi nalang namin iyon pinansin ni Ash.

"Sila na ba ni Ash?" Rinig kong bulong ng isa naming kaklase sa babaeng katabi niya.

"Hindi yata. I know na binasted niya si Ash, e. Mag bestfriend lang talaga sila girl!"

"May pag-asa pa ako kay Ash!"

"Gaga! Huwag ka nang umasa. Hindi ka papatulan niyan!"

"Bakit? Maganda naman ako, ah?"

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now