Kabanata 11

12.2K 450 163
                                    

Ngayon ay lunes na at kumakain ako sa Cafeteria kasama ang kaibigan ni Ash na si Kevin. Wala ngayon si Ash dahil pinatawag ito ng Principal namin at hindi ko alam kung bakit. Pinababantayan niya ako kay Kevin dahil baka lumapit na naman daw sa akin si Kale at guluhin ulit ako hays.

Ang isa namang kaibigan nilang si Loen ay wala ngayon dito sa school dahil nagpunta ito sa probinsya nila sa Samar dahil biglaan daw ang pagkamatay ng lola niya. Baka sa susunod na linggo pa raw ito makakabalik.

Napapansin ko na habang kumakain ako ay panay ang sulyap sa akin ni Kevin. Lumingon naman ako sa kanya at kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Alam mo Kevin, kung may gusto kang sabihin sa akin e, sabihin mo na." Diretsahan kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga naman siya na parang susuko na.

"Okay. May sasabihin ako sa'yo pero 'wag kang magagalit, ha? 'Wag mo rin sasabihin 'to kay Ash dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang sinabi ko 'to sa'yo." Seryoso niyang sabi.

Tumango naman ako bilang sagot.

Uminom muna siya sa hawak niyang juice in can bago siya nagsalita.

"Nung nag-away kasi sina Ash at Kale ay nakita ko 'yung buong pangyayari. Hindi sa kinakampihan ko si Ash dahil kaibigan ko siya pero nakita ko talagang si Kale mismo ang nagsadyang mabangga ni Ash dun sa Gymnasium. Kahit nga 'yung iba naming kasama sa P.E class e, nakita 'yon." He said.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Really? Sigurado ka ba talaga diyan?" tanong ko. Tumango si Kevin.

"Bliss, nagsasabi ng totoo si Ash. Uminit lang talaga ang ulo niya dahil sa ginawa ni Kale sa kanya. Kaya ko sinasabi sa'yo 'to para maging aware ka sa lalakeng 'yon. You don't know him yet at sana kay Ash ka lang makikinig at maniniwala." Nagkibit-balikat siya saka niya inilabas ang cellphone niya.

Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi ni Kevin.

Pero ano namang dahilan ni Kale at bakit niya ginawa iyon?

Ilang saglit pa ay nakita ko si Kale na papasok ng Cafeteria. Nakita niya ako at maging pati na rin si Kevin.

Bigla nalang sumama ang tingin niya dito at pagkatapos ay umupo na siya sa isang bakanteng upuan. Hindi naman siya napansin ni Kevin dahil naging busy na ito sa paggamit ng kaniyang cellphone.

Natapos na kaming kumain at ngayon ay nasa hallway na ako at naglalakad papunta sa susunod kong klase. Bigla ay may humila sa isang braso ko at nagulat nalang ako nang si Kale iyon.

"Kale? Ano-"

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng school.

"Ano bang-"

"Why are you with him?" Mariin niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang isinandal niya ako sa pader at ikinulong sa mga bisig niya.

"A-ano? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko.

Sumama bigla ang tingin niya sa akin na ikinabigla ko.

"That guy in the Cafeteria. That's Ash friend, right? Bakit kasama mo siya?" seryoso niyang tanong.

Napailing naman ako na tila naguguluhan sa inaakto niya. "Wait, Kevin is my friend, okay? Wala ngayon si Ash kaya siya ang kasama ko. What's the matter if I'm with my friend?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

Inilapit naman ni Kale ang mukha niya sa akin.

"You already know why. Kukunin kita mula sa lalakeng 'yon." May diin niyang pagkakasabi.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now