Kabanata 17

10.1K 353 46
                                    

"Bliss!"

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at si Kevin iyon kasama si Loen na mukhang kakauwi lang galing sa bakasyon nito sa kanilang probinsya.

Umiwas naman ng tingin si Kale sa kanila nang makalapit na sila sa amin.

Sinundo ako ni Kale kanina sa bahay namin at bilang isa na raw siyang manliligaw ko ay kailangan niya na akong ihatid at sunduin sa bahay maging sa pagpunta sa school.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nanliligaw na siya sa akin dahil parang napakabilis nang lahat ng ito.

"Kevin, Loen kayo pala," Sabi ko saka muling sinulyapan si Kale na tumiim-bagang bigla.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nina Kevin at Loen dahil kasama ko si Kale.

"Bakit kasama mo 'yan?" Tanong sa akin ni Kevin at itinuro nito si Kale.

"Ah, kasi-"

"I'm courting Bliss from now on." Sagot ni Kale na ikinagulat naman nina Kevin at Loen.

"P-papaano nangyari 'yon? Hindi ba't boyfriend mo si Ash?" Nagtataka namang tanong ni Loen sa akin.

Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung paano ko i-eexplain sa kanila na hiwalay na kami ni Ash at ngayon nga ay nililigawan na ako ni Kale.

Maging pati sa sarili ko ay hindi ko maintindihan ang naging desisyon kong ito.

"Don't ask too much questions. Let's go, Bliss." Kale said at hihilahin na sana niya ako papaalis nang bigla namang sumulpot si Yesha kasama si Lucas.

Hindi katulad noon na palagi akong nginingisian ni Lucas ngayon ay tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. May ideya na siguro siya na alam niya ang ginawa sa akin ng pinsan niyang si Kuya Argel.

"Cous! You're here pala. How are you? Where's Ash?" Nakangiting tanong sa akin ni Yesha saka nito tinignan si Kale.

Napayuko ako. "W-we already broke up."

She gasped on what I said.

"Really? I don't want to ask any questions about that but I hope you're okay." Yesha held my hand and she smiled at me.

Ngumiti nalang rin ako bilang sagot. She have no idea on what's happening between me and Ash at alam kong wala rin siyang alam sa ginawa sa akin ni Kuya Argel na pinsan ni Lucas. Mas mabuti pang hindi nalang malaman iyon ni Yesha para hindi na siya mag-alala pa sa akin.

"Alis na ako." Bigla namang pagsingit ni Loen sa usapan namin.

Tinignan niya muna ng masama si Lucas saka ito tuluyang umalis.

Bago pa maging awkward ang lahat ay nagpaalam na rin ako na aalis na kami ni Kale. Hinila ko na siya papaalis hanggang sa makarating kami sa school field.

Umupo ako sa isang bench habang si Kale naman ay nanatili pa rin'g nakatayo. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon but he looks so pissed off.

"Kale? Are you okay?" I asked him.

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

I sighed. "Sorry nga pala kanina kung nabanggit nila si Ash. Hindi pa kasi nila alam na nililigawan mo na ako, e." Malungkot ko namang sabi.

Umiling siya sa sinabi ko at lumapit sa akin. Tumabi naman ito sa kinauupuan ko.

"It's not your fault, anyway. I know it's too fast for you that I'm now courting you but that's what I want, Bliss." He said and smiled at me.

Napangiti nalang rin ako.

Recently, palagi ko nalang nakikita na ngumingiti si Kale at nakakatuwa lang dahil hindi na siya suplado at cold pagdating sa akin. Nakikita ko naman kung gaano siya kaseryoso sa akin so I don't have any regrets na binigyan ko siya ng tsansa para manligaw sa akin.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now