Kabanata 27

8.4K 280 41
                                    

Marahang hinahagod ni Christian ang likod ko habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak ko. Nang kumalma na ako ay binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman iyon.

It's already 11pm in the evening at nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko kasama si Christian. Sinasamahan niya ako sa matinding pag-iyak ko magmula pa kanina.

Kanina pa nakauwi sina Kale at si Tita Josephine. Sina Mama at Papa naman ay nasa trabaho na nila sa kompanya namin at overnight sila doon habang si Kuya Andrei ay bigla nalang umalis at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.

Alam kong maging pati siya ay tutol rin sa desisyon ni Papa na ipakasal ako kay Kale at masama ang loob niya doon.

"Christian, bakit ganon si Papa? Bakit pinagtutulakan niya akong pakasalan si Kale? Hindi ba niya naiisip 'yung nararamdaman ko?" Puno ng hinanakit kong sabi.

Inakbayan naman ako ni Christian at pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam mo Bliss, naiintindihan ko 'yung Papa mo kung bakit naging ganoon ang desisyon niya. Natatakot lang siya na baka nga m-mabuntis ka nung Kale na 'yon dahil sa ginawa nun sa'yo. Iniisip niya lang siguro ang magiging kinabukasan mo." Sabi niya.

"Hindi pa rin tama 'yon, Christian. Kung mahal ako ni Papa ay hinding-hindi niya ako ipapamigay sa lalakeng ginulo at sinira na ang buhay ko." I sighed.

Hindi na nagsalita pa si Christian sa sinabi ko at nanahimik nalang ito.

"I know that Ash was so disappointed to me. I understand kung bakit parang nagulat at halos hindi niya malaman ang sasabihin niya sa akin kanina." I smiled bitterly.

Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nasaktan ko ulit si Ash at kung hindi na niya ako magugustuhan nang dahil may nangyari na sa amin ni Kale ay lubos ko siyang maiintindihan doon pero masakit iyon para sa akin dahil mahal na mahal ko siya.

Kumunot naman ang noo ni Christian sa sinabi ko. "Kung mahal ka ni Ash ay kahit may nangyari pa sa inyo ni Kale ay tatanggapin ka pa rin niya pero nasaan siya ngayon? Ni wala nga siyang reaksyon nung nalaman niya ang lahat." Sabi niya at umiwas ito ng tingin sa akin pagkatapos.

"Christian, kilala ko si Ash. Alam kong nabigla lang siya sa mga nalaman niya kanina and I can't blame him for that. Matatanggap ko naman kung aayawan niya na ba ako o hindi sa kabila nang mga nalaman niya because in the first place, it's my fault." Sabi ko.

"And I love him..." Dugtong ko pa.

Nang tumingin ako kay Christian ay nakakuyom na ang mga kamao niya pero saglit lang iyon nang tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Ganoon naman pala, e. Sa tingin ko nga ay mahal na mahal ka rin niya. Bagay kayong dalawa dahil pareho kayong may maipagmamalaki sa buhay at anak pa siya ng Mayor sa lugar na ito. Kung anuman ang mangyari ay nandito lang ako at susuportahan ko kayong dalawa, Bliss." Christian said while he's smiling.

Napangiti na rin ako sa sinabi niya and I'm so glad na nakilala ko si Christian. He's been a good friend to me at hindi niya ako hinusgahan sa mga nangyari sa akin. He understands my pain and emotion that's why I already treat him as my special friend.

"Thank you, Christian." He nodded and patted my head.

"Ah, hindi ba't papasok na tayong dalawa sa eskuwelahan bukas? Medyo kinakabahan ako sa eskuwelahan na papasukan ko dahil nga transferee lang ako at hindi ko pa gamay ang kalakaran doon." Sabi niya dahilan para matawa ako.

"Normal lang naman 'yon sa first day of class mo pero kapag nasanay ka na at nagkaroon ng mga bagong kaibigan doon ay mae-enjoy mo pa rin ang school life dito sa Maynila." Sabi ko naman.

"Kung sa bagay, pero kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi na ako makakapag-aral ng kolehiyo. Maraming salamat talaga sa oportunidad na ibinigay niyo sa akin ni Tito Gil. Pangako ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko dito sa Maynila." Nakangiting sabi niya sa akin.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon