Kabanata 15

11.6K 398 22
                                    

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Mama at Papa. Bigla ay niyakap nila ako nang magkaroon na ako ng malay.

"Thank God! You're awake, my princess..." Naluluhang sabi ni Mama pagkatapos nila akong yakapin ni Papa.

Iginala ko ng tingin ang buong paligid ko at napagtanto ko na nasa ospital pala ako. I'd still remember how Kuya Argel was going to rape me. Takot na takot ako at halos magmakaawa ako sa kanya huwag lang niyang ituloy ang binabalak niya sa akin but he still did that.

Hindi ko naman napansin na nasa sulok lang pala si Kale habang pinagmamasdan niya ako.

I know he was the one who saved me and I don't really know kung bakit nalaman niyang nandoon ako sa bahay nina Kuya Argel at kung paano niya ako nailigtas doon.

"May masakit pa ba sa'yo? Do I need to call a doctor, Bliss?" Tanong sa akin ni Papa na bakas rin ang pag-aalala sa mukha niya.

"Okay na po ako, Mama at Papa." Nakangiting sabi ko sa kanila para hindi na sila mag-alala pa.

They felt relief after what I said.

"Mabuti naman kung ganoon dahil kung hindi ay magbabayad talaga sa amin 'yang si Argel. I trust him dahil kaibigan siya ng Kuya Andrei mo tapos ganito pa pala ang gagawin niya sa'yo? He needs to put in jail." Galit na sabi ni Papa at nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamao.

Maging pati ako ay hindi ko rin inaasahan na kayang gawin ni Kuya Argel ang bagay na iyon sa akin.

I'd almost treat him as my older brother, too at wala akong makitang mali sa kanya noon pero looks can be deceiving nga talaga at masyado kaming nagtiwala sa kanya.

"Where's Kuya Andrei po?" Tanong ko kina Mama at Papa.

"He's in the Police Station right now at hinarap niya si Argel. We won't allow na hindi niya pagbayaran ang ginawa niya sa'yo." Madiing sabi naman ni Mama.

Napayuko nalang ako saka tumango.

"And your friend saved you. He said na nandoon rin pala siya sa birthday party ni Argel at nakita ka niyang dinala ni Argel papunta sa kwarto niya. You should thank him for that." Sabi ni Papa at kaagad niyang nilapitan si Kale na nakaupo sa sofa. He tapped Kale's shoulder.

"Can I talk to him alone po ba?" I asked my parents.

"Sure, princess. Maiwan muna namin kayo dito." Nakangiting sabi ni Mama sa akin.

I smiled at them pagkatapos ay lumabas na nga sila ni Papa sa confine room ko. Inayos ko muna ang suot kong dextrose habang si Kale naman ay lumapit sa akin at umupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko.

"I'm glad that you're now okay." He said.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kaagad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit.

"Thank you for saving my life, Kale..." Naluluhang sabi ko.

Kung hindi ako nailigtas ni Kale malamang ay nagawa na ni Kuya Argel ang binabalak niya sa akin, at kung nangyari man iyon ay habangbuhay ko nang dadalhin ang bangungot na iyon sa buhay ko.

Natigilan si Kale sa ginawa ko pero 'di kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik.

"It's nothing. I want you to be safe that's why I saved you." Sabi niya nang bumitaw na ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

He cupped my face at pinunasan niya ang mga luha ko.

"You saved my life." Nginitian ko siya habang napapaluha pa rin ako.

"I already said to you na gagawin ko ang lahat para sa'yo so expect that." He smiled at me that almost melts my heart.

"But why did you know na dinala ako ni Kuya Argel sa loob ng kwarto niya? Kilala mo ba siya kaya nandoon ka rin sa party niya?" Tanong ko na kanina ko pa gustong sabihin.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now