Kabanata 26

8.5K 289 50
                                    

Sobrang sama ng titig ni Kuya Andrei kay Kale habang kaharap namin siya kasama si Tita Josephine. Pinatawag sila ng pamilya ko para komprontahin tungkol sa ginawa ni Kale sa akin.

Hindi ko na muna binanggit na may nangyari na sa amin dahil panigurado na mas lalo lang madadagdagan ang galit nila lalo na si Ash. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanya at kung pwede nga lang ay itatago ko nalang ang pagkakamali kong iyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo para kidnappin ang kapatid ko at itago siya sa amin. Sino ka ba para gawin 'yon, ha?" Sigaw ni Kuya Andrei at dinuro niya si Kale na kanina pa tahimik at walang halos imik.

Pilit namang pinapakalma ni Mama si kuya at si Papa naman ay tahimik lang habang pinagmamasdan kami. Si Ash ay katabi ko habang nakahawak siya sa isang kamay ko at si Christian naman ay nasa tabi lang namin.

Hindi pa rin sumasagot si Kale sa sinabi ni Kuya Andrei kaya mas lalo lang nadagdagan ang galit ng kapatid ko sa kanya.

I've never seen my brother would be so mad like this. Hindi ko rin naman siya nakitang magalit noong may ginawa rin sa aking masama si Kuya Argel.

Kuya Andrei is always been a good brother to me and I feel his sincerity nang makita ko kung paano siya magalit sa tuwing nalalagay ako sa panganib.

Nagulat nalang ako nang biglang lumapit si Kuya Andrei kay Kale at kwinelyuhan niya ito na nakatitig na ng masama sa kanya.

"Ano? Hindi ka ba magsasalita dyan, Kale Marco?" Sigaw ni Kuya Andrei at akmang susuntukin na sana niya si Kale nang napigilan siya ni Tita Josephine.

"Hijo, please calm down. Pag-usapan natin ng maayos kung ano man ang nagawang masama ng anak ko kay Bliss." Nag-aalala at nalulungkot na sabi ni Tita Josephine.

Kuya Andrei chuckled. "Paano po ako kakalma kung nilagay ng anak niyo sa panganib 'yung kapatid ko? Pasalamat kayo at menor de edad pa 'yan kundi ipakukulong talaga namin siya!" Galit na sabi niya.

Napangisi naman si Kale sa sinabi ni Kuya Andrei saka ito tumingin sa akin bago ulit bumaling ng tingin sa kapatid ko.

"Do you think you can do that to me? That was my punishment for Bliss since pinaasa niya ako." He said.

Naramdamanan ko nalang na humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Ash na nakatitig na ng masama kay Kale.

"Pinaasa o ikaw lang naman talaga ang umaasa, Kale? Sinabi na sa'yo ni Bliss na hindi ka talaga niya mahal and it's not her fault any more kung umasa ka man." Madiing sabi ni Ash kay Kale.

Napangiti lang si Kale sa sinabi ni Ash at umiling ito. "Ash, pagdating kay Bliss ay talo ka na kaagad sa akin. You didn't know what we were doing habang wala ka sa tabi niya."

Kaagad naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Kale.

Hindi pa ako handang malaman ni Ash na may nangyari na sa amin ni Kale. Paniguradong masasaktan ko siya sa oras na malaman niya iyon. I can't afford to lose and hurt him again.

"What do you mean?" Naguguluhan namang tanong ni Ash.

Sumulyap sa akin si Kale bago siya muling tumingin kay Ash. "Masasaktan ka lang kapag nalaman mo, Ash. Sa ating dalawa, mas lamang pa rin ako sa'yo. Kayang-kaya kong makuha si Bliss nang hindi ako nag-e-effort." Nakangising sabi niya.

"Aba, hijo, hindi bagay ang anak ko na pag-aari mo. Hindi rin ako papayag na mapunta sa'yo si Bliss lalo na't nalaman ko kung gaano ka pala kabaliw para dukutin siya at ilayo sa amin!" Singhal ni Mama kay Kale.

"Tita, hindi niyo po ako kaaway dahil kakampi niyo ako. Mahal ko naman po si Bliss pero ayoko lang na may ibang lalake sa buhay niya. Ilang beses na pong may nangyari sa amin at papanagutan ko siya sa ginawa namin." He said.

Obsessed Kaleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن