Kabanata 9

13.5K 478 192
                                    

Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas nang mangyari iyong pag-amin sa akin ni Kale. Pilit ko nalang iyong kinakalimutan dahil alam kong hindi tama ang nararamdaman niya para sa akin. May boyfriend na ako at si Ash iyon kaya hindi ko na siya kailangang isipin at problemahin pa.

Todo na rin ang pag-iwas ko kay Kale at hindi ko na siya magawang tignan kahit man lang sa klase namin dahil alam kong tinitignan niya ako palagi.

Napapansin na nga ni Ash ang ginagawa niya at gusto na siyang komprontahin tungkol doon pero sinabi kong hayaan nalang si Kale tutal ay hindi naman ako ginugulo nung tao.

Ngayon ay nandito ako sa P.E class namin at hindi ko kasama sina Ash o Kale dahil alam kong magkaklase sila sa P.E class nila.

Habang nagpapractice kami ng self defense move ng mga kaklase ko dito sa may school field ay nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Kevin.

Napahawak pa siya sa magkabilang tuhod niya na hingal na hingal nang makalapit na siya sa akin.

"Bliss, sina Ash at 'yung si Kale Marco ay nag-aaway sa gymnasium. Puntahan mo sila dali!" Sabi niya na ikinagulat ko.

"T-talaga? S-sige." Sabi ko at tumakbo na rin papunta sa gymnasium kasama si Kevin.

Bakit nag-aaway sina Ash at Kale?

Nang marating na namin ni Kevin ang gymnasium ay puno ito ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa gitna. Nang makita nila akong papalapit na ay nahawi sa gitna ng gymnasium at doon ay nakita ko si Ash na sinisigawan si Kale na nakatingin naman sa kanya na walang ekspresyon pa rin ang mukha.

"Ash!" Sigaw ko at nagulat si Ash nang makita niya ako.

"Bliss? What are you doing here?" Tanong niya nang makalapit na ako sa kanila.

"Ano ba 'tong ginagawa mo? Bakit mo sinisigawan si Kale?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya kay Kale at sinamaan niya ito ng tingin.

"Nananadya kasi 'tong hayup na 'to, e. Sinabi kong 'wag siyang humarang kanina sa dinadaanan ko tapos kasalanan ko pang nabangga ko siya kaya siya natumba sa sahig?" Sarkastiko niyang sabi.

"It looks like you're doing that on purpose. Why? May galit ka ba sa akin?" Sabi naman ni Kale at pinagkrus nito ang kanyang mga kamay.

Hindi ko sila maintindihang dalawa. Imbes na magsorry nalang itong si Ash ay siya pa itong galit. He needs to owned an apology to Kale. Nakakahiya at marami pang nanonood sa pag-aaway nila.

Tumawa naman si Ash sa sinabi ni Kale.

"Be honest Kale, may gusto ka ba sa girlfriend ko? Alam mo, napapansin ko 'yung madalas mong pagtitig sa kanya sa klase, e. You can't confront her dahil kasama niya ako palagi, am I right?" Tanong niya na ikinagulat nang lahat maging pati na rin ni Kevin.

Nakita ko namang naglalakad papalapit sa amin si Yesha kasama si Lucas na nakangiti pa sa amin.

Natahimik naman si Kale nang sabihin ni Ash iyon.

Ash chuckled. "See? So, ano 'yung unang ginawa mo? Nagpapakipot ka lang dahil hinahabol-habol ka ni Bliss tapos ngayong boyfriend na niya ako ay saka ka lang magbibigay ng motibo para agawin mo siya sa akin?" Sigaw ni Ash kay Kale.

I've never seen Ash very mad at ngayon lang ito. Naninibago ako sa kanya.

"Ash, please stop it," Pakiusap ko pero hindi siya nakinig sa akin.

"Oo nga naman transferee, ngayong may boyfriend na ang pinsan nitong si Yesha ay ngayon ka lang magda-damoves dyan? Anong klaseng galawan 'yan?" Nakangisi namang sabi ni Lucas na sinuway kaagad ni Yesha.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now