Chapter 30

6.6K 313 82
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 30]

"Huy!"

Halos tumalon ako sa gulat nang hawakan ni Jerome ang pulsuhan ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break time namin, at kanina pa ako nakatitig sa kawalan while I'm still thinking about what happened kanina.

"B-Bakit?"

"Are you okay? Anong meron sa'yo? Kanina ka pa nakatulala d'yan. Are you still thinking about Sir Marcus?" Sunod-suno na tanong niya sabay kagat ng chicken sandwich.

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?! No way!" Agad kong pag-angal at muling ininom ang orange juice na hawak ko. Tila napalakas yata ang pagkakasabi ko at napatingin ang mga ibang tao sa loob ng cafeteria.

Confusion was painted in his face nang ibinaba niya ang hawak niyang chicken sandwich. "Anong nangyayari sa'yo? Why are you like that? You're being weird kanina pa."

Tila natauhan naman ako sa sinabi niya, at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "And what makes you think na I'm thinking for him?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ang akin lang, are you still thinking about what he said? Na kikitain niya tayo sa lab ngayong hapon. Bakit, may iba ka pa bang iniisip about him?"

"No, nothing! Ba't ko naman siya iisipin?"

"Oh 'yun naman pala eh, ba't ka defensive?"

"Defensive? Never."

"Okay, sabi mo eh."

Nabalot ng katahimikan ang paligid namin, at muling pumasok sa isip ko ang lalaking 'yon. Muli akong napatingin kay Jerome.

"Jerome."

Napatingin siya sa'kin. "Hmm?"

"Alam mo rin ba ang tungkol kina Sir Marcus at Ma'am Avery?"

Ibinaba niya ang hawak niyang sandwich. "Na may relasyon sila? Yes, dati pa kalat 'yon sa buong campus."

Hindi ko inasahan ang sinabi niya. I'm surprised na ako lang talaga ang hindi nakakaalam sa affair nilang dalawa. Ngunit dati pa naman napaghahalataan ko na, na may pagtingin talaga si Ms. Avery kay Prof. Marcus everytime na nasa Chemistry Laboratory kami.

"Bakit, hindi mo ba alam?"

Napalingon ako sa kaniya, at umiling na lamang ako and I just shrugged my shoulders.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? It's been months since may relasyon sila. Ngayon lang talaga nila inilabas, and everyone here supports them. Naturingan pa nga silang the perfect couple since Ms. Avery is really beautiful and Mr. Montecillo is handsome." Saad niya. "Sayang nga lang, crush ko pa naman si Ms. Avery." Tila may pagsisisi niyang sabi at muling kinagat ang hawak niyang sandwich.

Hindi na lamang ako sumagot sa sinabi niya at napatitig na lamang ako sa kaniya while he's biting his sandwich. Hindi ko alam, pero ang bigat ng pakiramdam ko. He keeps on giving me sign, at tila lahat ng ipinakita niya sa'kin dati ay nabaliwala lamang dahil sa mga nalaman ko.

Muli nanamang namuo ang galit sa dibdib ko. How dare him play with my feelings and body kung may girlfriend na pala siya?! He's really wicked, a devil one! My hand rolled in a fist at gustong-gusto ko siyang sapakin.

I hate you, Professor Montecillo!

"Ikaw," Muli siyang napatingin sa'kin. "Do you think they are really a perfect couple?" Muli niyang tanong. "Dahil ako, I kinda do. Masungit nga lang si Sir Marcus, but I know it will work out." Dagdag pa niya.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now