Chapter 03

18.8K 652 84
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 3]

NAGISING ako nang maramdaman ko ang lamig na unti-unting dumadapo sa aking katawan, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ang puting kisame ang unang bumungad sa'kin.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob pala ako ng isang ospital.

Napakislot at napaungol ako sa sakit nang maramdaman ko ang kaunting pagkirot ng pang-upo ko, pero hindi na siya kasing sakit ng dati. Tingin ko'y may naipahid na silang gamot sa'kin upang mabawasan ang sakit nito.

Pansin ko ring hindi na bathrobe ang suot ko, kun'di isang simpleng blue panjamas na sa tingin ko ay tipikal na hospital gown ng mga pasyente rito.

Sinubukan kong gumalaw, ngunit napahinto ako nang may maramdaman ko ang isang kamay na nakakapit sa pulsuhan ko.

Nanlaki ang mga mata ko at muling sumilay ang kaba sa dibdib ko. May kasama pa ba akong iba rito bukod sa'kin?

Unti-unti ko itong nilingon at nagulat ako nang makita ko ang aking propesor na mahimbing ang pagkakatulog sa aking tabi. He looks like an angel, well kapag tulog lang. Dahil lumalabas ang kademonyohan niya kapag gising siya.

Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko na parang ayaw niyang pakawalan. Sinubukan kong alisin ito, pero kahit tulog siya ay sobrang lakas niya.

Ganito ba talaga ang mga lalaking malaki ang katawan, kahit tulog ay malakas pa rin? Napabuntong-hininga na lamang ako at hinayaan na lamang siya.

Sinubukan kong ring umupo, ngunit sadyang hindi umaayon ang pang-upo ko bigla nanamang kumirot ito. Inis ko siyang liningon na ngayong ay sobrang himbing ng pagkakatulog.

Kung 'di dahil sa'yo, hindi mangyayari sana ang lahat ng ito!

Napabuntong-hininga na lamang ako at pilit pinapakalma ang namumuong inis at galit sa aking dibdib, dahil wala rin namang mangyayari at hindi na rin mababago ang nangyari kung magagalit pa ako sa kaniya.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa kwarto, it was well-structured at hospital bed lamang ang narito at walang dextrose at kahit anong heart monitor, dahil alam kong hindi naman malala ang nangyari sa akin.

Nararamdaman ko pa rin ang init na dala ng lagnat ko sa buong katawan, ngunit mas mababa na 'to kumpara noong nasa teritoryo ako ng demonyong propesor ko.

Inilibot kong muli ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, at napansin kong tila hindi lamang pang ordinaryong hospital room ito. Napakaganda ng pagkakadesign at alam na alam mong pinag-isipan talaga ng interior design na aakalain mong hindi ito isang hospital room kundi isang kwarto ng mansyon.

May flower vase at mga furnitures pa sa isang puting mahaba at maliit na desk sa gilid ko, at ang transparent na salamin sa kanan at kitang-kita ko ang mga naglalakihang buildings mula rito.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng lalaki sa gilid ko.

Napakislot ako nang maramdaman kong umangat ang kamay niya sa aking hita na sanhi para mapaatras ako.

Sa kasamaang palad, nasagi ko ang isang flower vase sa aking gilid na dahilan para mahulog ito at gumawa ng ingay.

Napalingon ako sa kaniya na tila nagising sa ginawa ko, mabilis na rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha,

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now