Chapter 27

5.4K 302 25
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 27]

"Pumasok na sa trabaho ang Daddy mo at hindi man lang tinawag si Albert para magpahatid. Narinig naming kumalabog ang lamesa dito sa Dining Room kaya patakbo kaming pumunta rito. Nakita rin namin na tila nagpipigil nanaman na sumabog sa galit si Señorito, may nangyari nanaman bang masama sa inyong dalawa?" Tanong ni ate Tessy.

Umiling ako, "It's nothing, ate. Papasok na po ako, pakihanda na po 'yung kotse ko-" Ngunit naalala ko na Dad took my keys away. "I mean, please call kuya Albert at papahatid na po ako sa school."

Kita kong nag-aalala pa rin si Nanny, at naramdaman ko ang paghawak niya sa'kin. "Nanginginig ka, anak."

"I'm fine, Nanny." Suminghot ako at pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko. "This is starting to get dramatic. Magpapahatid na po ako gusto ko na pong pumasok."

"Sige, anak. Kami na ang magliligpit dito. Nga pala, inilagay ko na sa bag mo ang sandwich na gusto mo. Mukhang wala kang gana ngayon, sa eskwelahan la nalang kumain, anak." Saad niya at tumango na lamang ako "Thank you, Nanny."

Nawalan na rin ako ng gana na ituloy ang pag-kain ko because of what happened, kaya napagdesisyunan ko na lang rin ma kumain sa school. Mabilis kong sinabit ang bag ko sa aking likuran at ipinatawag si kuya Albert upang magpahatid.

Mabuti na lang talaga at hindi hassle ang daloy ng trapiko. I'm still stressed and spacing out because of what happen, at mabuti na lang at hindi sumasabay ang daloy ng mga sasakyan.

"Nandito na po tayo, sir Denise." Mabilis akong tumango at bumaba ng sasakyan. "Thank you sa paghatid, kuya Albert. Pasok na po ako."

"Sige po, mag-iingat po kayo, Señorito Denise."

Mabilis na akong nagpaalam kay Kuya Albert bago ako pumasok sa loob ng campus. The fresh air simultaneously brewing upon the leaves of the trees while I'm taking my steps at the flat aisle. Kahit na mabigat pa rin sa dibdib ang nangyari sa amin ni Dad, mas pipiliin ko nalang munang pumasok upang ma-divert naman kahit papa'no ang atensyon ko.

Nang makarating ako sa mismong hallway ng building kung saan ang magiging classroom ko ay may mga ibang napapalingon sa'kin. I can't take the crowding eyes kaya napayuko na lamang ako ng ulo, 'cause their stares are frightening me. Ano bang meron sa'kin at bakit sa t'wing papasok ako ng hallway ay parang nakakita sila ng artista? These peoples are really unpredictable.

"...and one more thing, kapag nalaman kong may nangyari sa inyong dalawa na pinaka-ayaw ko, I will never hesitate to kill that man infront of you! No one can touch you while you're still underage, Denise. No one!"

Muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Dad while I'm watching my black shoes steps upon the floor. Litong-lito pa rin ako, dahil bakit niya sinasabi sa'kin ang mga bagay na 'yon?

Naalala ko pa noong bata ako, simula palang ay ramdam ko na ang init ng ulo niya when he's around. Na parang lagi siyang may tanim na galit sa'kin, at kaunting pagkakamali ko lang ay lagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay.

I already know the reason, na kinamumuhian niya ako dahil isa akong bakla. But there's something more, pinaparamdam niya sa'kin na... na parang hindi niya ako anak. Siguro kung hindi pa ako pinoprotektahan ni Mom sa pang-mamaltrato sa'kin ni Dad, I wonder if buhay pa ako sa mga panahong 'yon.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now