Chapter 01

24.3K 756 59
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 1]

TULUYAN na akong nagising nang maramdaman ko ang malamig na hangin na unti-unting dumadapo sa balat ko, dumaloy ito sa buong katawan ko na nagpanginig sa akin ng tuluyan.

I groaned in pain nang maramdaman ko ang muling pagkirot ng aking tagiliran. Napahawak ako rito at pilit tinitiis ang kirot, na tila pinupulit ang kaloob-looban ko.

Nang imulat ko ang aking mga mata, the darkness devoured my vision. Napakadilim at wala akong makita ni liwanag manlang.

Kinapa ko ang paligid ko, hanggang sa maramdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko ngayon ay doon ko palang napagtanto kung nasaan ako,

Sa kwartong nagdala sa'kin sa mundo ng impyerno.

Napahawak ako sa aking tyan nang bigla itong kumurot sa sakit. Kumukulog na rin ito at nakakaramdam na ako ng gutom.

Teka, anong oras na ba, at ilang oras na ba akong natutulog dito sa kama? Sinubukan kong i-adjust ang mata ko upang makahanap ng liwanag, ngunit tanging kadiliman lang talaga ang nakikita ko.

Kinapa-kapa ko ang paligid ko, hanggang sa makapa ko ang isang malambot at mahabang tela. Doon ko napagtanto na isa itong puting kumot kaya mabilis ko itong ipinalibot sa buong katawan ko.

Napakalamig ng temperature dito sa loob ng kwarto kaya hindi ko maiwasang manginig, tila nasa loob ako ng refrigerator sa sobrang lamig.

Sinubuksn kong tumayo at isandal ang likod ko sa headboard, ngunit napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagkirot at pagtama ng aking pang-upo sa kama.

Pakiramdam ko ay binangga ako ng isang malaking truck sa aking likuran sa sobrang sakit, ngunit pinilit kong umupo kahit kumikirot pa ang aking bukana.

Namalayan ko na lamang na sunod-sunod nang pumatak ang mga luhang naipon sa aking mga mata, nang maalala ko ang mga nangyari sa akin. Ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari sa'min ng aking propesor.

Napayukom ako ng kamao, at unti-unting namumuo ang inis at galit na naipon sa aking dibdib nang maalala ko siya, ang kaniyang mukha kung pa'no siya nasasarapan habang ako ay hirap na hirap.

He used my own weakness to gain advantage on his own desires! Demonyo siya! Wala talaga siyang kasing-sama! Wala siyang pakialam kung masasaktan man ako sa ginagawa niya, all he want to do is to pour his own lust and desires to my body.

I buried my face between my legs at yinakap ito ng mahigpit, doon ko inilabas lahat ng sakit at galit na kinikimkim ko sa aking dibdib.

Naglalaro pa rin sa isip ko kung bakit, bakit ako pa ang napili niyang pagsamantalan at gawan ng masama kahit napakaraming babae at binabaeng nagkakandarapa sa kaniya sa Montecillo High? Gayong isa lamang akong simple at inosenteng estudyante sa kaniyang unibersidad na hinihiling lamang na makapagtapos ng pag-aaral at nakakuha ng karangalan.

Gusto ko lamang ay isang simple at tahimik na buhay, ngunit bakit naging ganito? Bakit binahiran niya ng kadumihan ang buong pagkatao ko? We're both men for pete's sake! Hindi ba siya nandidiri na nakipag-sex siya sa kapwa niya lalaki?!

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now