Chapter 33

8K 362 159
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 33]

NAPALUNOK naman ako and I felt my heart skipped a beat dahil sa sinabi niya. Muli akong nakaramdaman ng kaba. Sheesh! Hindi pa ako handang harapin ang lalaking 'yon, dahil may kutob ako na mukhang may mangyayaring kakaiba mamaya.

H'wag naman sana.

"Hindi ba't 'yan ang sinasabi niyang 'special activity' niyo ni Sir Marcus?" Napalingon ako kay Jerome and he teased me with his wiggling eyebrows.

"Sira!" Inis na tugon ko naman at naparolyo na lang ng mga mata bago bumalik ng tingin kay Chelsea. "Sige, susunod ako. Salamat." Nakangiting sagot ko na ikinatango naman niya.

"Gusto mong samahan kita do'n?" Ang tanong ni Jerome na ikinahinto ko.

"Hindi na siguro," I took the tissue at pinunasan ang bibig ko. "Alam mo naman kung ga'no kasungit ang Chemisty Professor natin, at baka ikaw pa ang pag-initan at i-bagsak niya kung magkataon." Dagdag ko pa.

Lumawak naman ang ngiti sa kaniyang labi. "Awww," Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong hilahin at ginawaran ng yakap. What the hell?! "You're worried about me. Napakasweet talaga ng best friend ko. Kaya love na love kita." Masayang sabi niya na ikinangiwi naman ng mukha ko.

Mabilis naman akong kumawala at pinalo ang braso ko. "Ang corny mo talaga!" Asar na wika ko at mabilis na tumayo. "Sige na, maiwan na muna kita d'yan. Aalis muna ako, kita na lang tayo mamaya." Huling pamamaalan ko na ikinatango niya bago naglakad papalayo.

"Ang sweet niyo namang mag-best friend." Nakangiting pamungad ni Chelsea na ikinapula ng mukha ko. "So let's go?" Pag-aalok niya na ikinatango ko naman.

Bumalik ang kaba sa aking dibdib habang sinusundan si Chelsea palabas ng cafeteria habang tinatahak namin ang daan papunta sa laboratory. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari mamaya.

And I don't like it.

"Alam mo ba," Nabasag ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin ni Chelsea nang magsalita siya. "Professor Montecillo seems in a hurry na makita ka. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo sa kaniya, but he's been looking for you kanina pang umaga. I'm starting to wonder why he's been keeping an eye on you since then." Wika ni Chelsea without throwing me a single glance.

Umakyat naman ang dugo sa pisngi ko dahil sa sinabi niya at napalunok na lang. "S-Siguro dahil b-baka h-hindi ako nakapag-attend s-sa klase n-niya." Ang palusot ko na ikinatango naman niya.

"Siguro nga." Ang tanging naisagot na lamang niya bago kami humarap sa pinto ng laboratory.

Pansin kong walang tao sa loob ng laboratory at mukhang kaming dalawa lang ni Sir Marcus ang maiiwan dito. Napayukom na lang ako ng kamao, dahil mukhang may balak pa siya sa'kin.

H'wag naman sana.

"We're here. He said na ikaw lang ang pwedeng pumasok sa loob, kaya mauuna na ako and good luck, Denise. Fighting!" Nakangiting pagpapalakas niya sa loob ko na ikinatango ko naman.

"Maraming Salamat sa paghatid, Chelsea." Huling pamamaalam ko bago niya ako tuluyang lisanin. Sinundan ko muna siya ng tingin bago muling idako ang tingin ko sa pinto.

Humugot ako ng malalim na hininga bago simulang kumatok sa pinto.

"Sir Marcus."

"Come in."

Napalunok naman ako sa baritonong boses nito at wala sa sariling tumango. I held the handle at tuluyan nang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang sari-saring amoy na mukhang nanggaling sa mga chemicals sa loob.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now