Chapter 31

5.1K 260 62
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 31]

"Denise?" Napansin ko ang pagtawag ng isang lalaki habang kasalukuyan akong naglalakad mag-isa sa hallway. Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa building namin, and I was too preoccupied by what happened earlier.

"Kanina pa kita hinahanap—" Napahinto naman siya at kumunot ang noo nito. "Ano'ng nangyari sa'yo? Ba't sobrang putla mo? May sakit ka?" Sunod-sunod na tanong niya, na ikina-iling ko na lamang.

"H'wag mo nalang akong pansinin, Jerome." Napayakap na lamang ako sa aking katawan. "I'm completely fine, wala lang ako sa mood. Bumalik na lang tayo sa room. Baka hinahanap na tayo ni Mr. Ferrer." Maikling sagot ko at naunang maglakad sa kaniya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang muntik na kaming mahuli ni Ms. Avery kanina, at kung hindi dahil sa lalaking 'yon ay hindi ko sana mararanasan ang mala-near death experience na 'yon.

My heart was racing so fast na tila hihiwalay na ito sa dibdib ko. But he seems so calm, at mabuti na lamang ay sinabi niyang it's just a normal conversation between a student and a professor, and fortunately naniwala naman ito sa sinabi niya.

I might consider myself fortunate, and must thank Ms. Avery for that. Kun'di siya dumating, baka tuluyan na akong bumigay. I almost gave up to that monster, and that's the weakness I hate the most.

Mabilis akong bumigay sa kaniya.

Marupok ka, Denise.

Marupok ka pa rin.

Pumasok ako sa loob ng room at agad na dumiretso sa pwesto ko. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Jerome sa likuran ko, and also came back to his place. He left no word, ngunit ramdam ko ang mga mata niya na nakamasid sa akin, na para bang nag-aalala pa rin sa kalagayan ko.

I have no strength to speak, or even face anyone, and if I have given a chance I just want to skip this day. But I stopped myself, dahil naalala kong may 'special activity' pa pala kami ng lalaking 'yon mamaya, and I hope it turns out well.

Dumaan pa ang ilang minuto ay nakarating na ang Psychology Professor namin na si Mr. Ferrer, and we all stood up and welcomed him.

"A pleasant morning with you, class!"

"Good morning, Professor."

Nang muli kaming umupo, he paused at the moment and placed all of his stuffs at the table. Sinundan lamang namin siya ng tingin while he walked in the middle of the white board.

"Before we start our discussion," He cleared his throat and crossed his arms. "I know this is a sensitive topic, but let's be intimate, class. Have anyone of you experience any violence or physical abuse from someone?"

Binalot naman ng katahimikan ang buong klase nang tanungin 'yon ni Mr. Ferrer. Even I am surprised by his question. Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa akin, and I, definitely, experienced it.

As an introvert person, mas pinili ko na lamang na manahimik. I have no energy to participate in our class, and I'm just going to keep in this pace for the rest of his hour.

Napalingon naman kami nang magtaas ng kamay ang kaklase namin, which is Chelsea. "I do, sir."

"Great," He smiled at dumako ang tingin nito sa kaniya. "There is one question I want to ask, Ms. Montenegro," Dumako naman ang tingin ko kay Mr. Ferrer nang sabihin niya 'yon. "How do you feel about your abuser?"

Muling bumalik ang tingin ko kay Chelsea. She looks disturbed and uncomfortable, at tila nagd-dalawang isip pa ito kung sasagutin niya ang katanungan ng Professor namin.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now