Chapter 24 (Part I)

6.1K 245 2
                                    

"Abused by the Deceptive Professor"

[CHAPTER 24]

[Denise]

"ROOM 34, sir."

Matapos na banggitin ng receptionist ang room number ay mabilis pa sa alas-kwarto akong tumakbo papunta sa hallway. Wala na akong pakialam sa mga taong nababangga ko, 'cause my mind is now blank at ang tanging kailangan kong gawin ay ang hanapin ang room number na 'yon.

Noong nalaman ko kay Nanny kung ano ang nangyari, I rushed to the hospital at iniwan ang current activity na ginagawa namin kay sir Beaumont. Hinarangan pa ako ng guard at muntik nang h'wag palabasin, ngunit mabilis akong nakagawa ng paraan to distract that old guard. I'm in an emergency at wala na akong pakialam if I violate some of the school rules.

Kahit nanginginig man at nanghihina dahil sa natuklasan ko, I kept on running and running. Tila waterfall ang mga luha ko sa pisngi at ayaw tumigil sa pagtulo.

Nang makarating ako ay mabilis kong hinanap ang room number. Pansin ko rin na napapalingon ang mga ibang tao na nakaupo sa waiting chair. Masyado nang pre-occupied ang isipan ko at wala na akong pakialam sa kanila.

"R-R-Room 31... R-R-Room 32... R-R-Room 33..." Napapakapit na lamang ako sa pader dahil nanginginig ang tuhod ko. I can't imagine kung ano man ang makikita ko, 'cause I know it will definitely crush my heart into pieces. Napakagat na lamang ako ng labi at pilit pinapatatag ang sarili ko. No one will be by my side rather than myself, no one.

Kaya mo 'to, Denise. Kaya mo 'to!

Nang makarating ako sa harapan ng isang puting pinto, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nang makapag-relax na ang katawan ko ay unti-unting umangat ang aking tingin.

"R-R-Room 34..."

Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko, and I took a deep breath, trying to calm my nerves. Dahan-dahan kong kinapitan ang doorknob, 'cause I'm literally shaking and my mind starts to get blank, again. I pursed my lips and gathered my remaining strength bago buksan ang pinto.

Tumama ang puting ilaw sa mga mata ko, and the noise of the machines traveled around my ears. Nang makapag-adjust ang paningin ko ay unti-unting bumagsak ang panga ko, and nanginginig akong napakapit sa gilid ng pinto.

I'm trying to endure the pain inside my chest, at napahawak na lamang ako sa aking bibig nang makita ko ang kalagayan niya.

"M-M-Mom... M-M-Mom..."

My mind still can't process on what I am seeing right now, tila isa itong masamang panaginip at hinihintay ko lamang ang sarili kong magising. Tila bumagsak ang mundo ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng puting silid kung saan nakaratay ang katawan niya.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now