Chapter 13: I Think

608 22 0
                                    

"Film?" tawag ko sa katabi ko na ngayon ay naghahalo nitong cup noodles niya.

"Yes bebe?" nandito ako ngayon sa studio nila dahil may practice sila, at sinama ulit ako ni Bright. Kung may trabaho ba ako't inuna ko ulit si Bright? Ang sagot ay wala.

Also, me and Film really got closer these past weeks to the point na halos lahat ng pwedeng pagkuwentuhan ay napagkuwentuhan na namin, at kaming dalawa lang dito dahil ang ibang mga lalaki ay lumabas upang bumili ng tanghalian, pero dahil daw gutom na siya, umuna na siyang mag-cup noodles.

"May tatanong ako." tumigil naman siya sa paghahalo at humarap sa akin. "Yes?"

"Ano... Diba sabi mo noon, kaya nag-hiatus si Bright is because of a girl, right?" tanong ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya, probably not expecting na iyon ang itatanong ko. "Yes, why?"

"Wala naman. You know me naman, I'm always curious. There's this picture frame lang kasi na nakita ko sa condo niya—"

"Wait wait..." putol niya sa akin saka ibinaba ang hawak na chopsticks at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "You've been to his condo?" gulat na taka niyang tanong kaya nagulat din ako at saka ko lang napagtantong hindi na naman ako nag-iingat sa mga lumalabas sa bibig ko. Hindi nga pala nila alam.

"Y-yes! I mean- inaya niya 'ko one time, we had a drink a-and all..." palusot ko na hindi ko alam kung pinaniwalaan niya ba pero tumango naman siya at saka nagsimulang kumain. "Okay, then? What's with the picture frame?"

"Ayon, as I was saying, you know that digital clock sa side table niya diba?"

"Hmm."

"May napansin kong picture frame sa likod non, and I saw a picture of him and a girl and they're hugging. Kung hindi ako nagkakamali, the picture was taken at Eifel Tower because of the background." mahabang saad ko, suddenly remembering that one time na nandoon ako sa kanila at bigla nalang napadako ang mga mata ko sa picture frame na yon habang nasa banyo si Bright, and I never get the chance to ask. Baka isipin niya ang pakielamero ko masyado.

"I think I know what you're talking about. Okay tuloy." saad niya saka kinuha ang cup noodles at hinawakan nalang ito para nakaharap na talaga siya sakin habang kumakain.

"I was wondering... Is she the- you know? The girl?" alangan kong tanong, not really wanting to pry in his personal life pero hindi ko talaga maiwasang hindi ma-curious dahil, yes, we fuck almost every week, kung hindi ay twice a week, pero we only know each other by basic information. Nakita ko namang tumigil muna siya sa pagkain, sandaling kumunot ang noo na tila ba nag-iisip bago tumingin sa akin at nagsalita.

"If you're talking about a girl na hanggang balikat lang ni Bright, kulot na blonde ang buhok, balingkinitan at maputi, then yes. Probably siya nga yon. But I'm kind of sure na siya nga, as I told you before, after that girl, wala nang ibang sineryoso yong si Bright." paliwanag niya kaya napatango ako, at iniisip kung bakit nga ba 'ko interesado sa bagay na 'to, noon pa man, ngayong NSA lang naman kami.

"Ba't mo natanong?"

"Yan din tanong ko sa sarili ko." natatawa kong sagot.

"Dimo talaga alam kung ba't sila nagbreak? Or?" tanong ko pa at muli siyang napaisip.

"Wag kang maingay ah, pero I happened to hear Kuya and Bright's conversation last week. Don't get me wrong, hindi ko talaga sinasadya. Nasa bahay kami non, and Kuya Mike and Bright had a drink sa kusina, eh sakto may ginagawa ako don kaya ayon." panimula niya na tila ba ipinapaliwanag na g mabuti ang lahat ng detalye upang walang maisip na malisya sa mga susunod niyang sasabibin. "Hmm okay okay."

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now