Chapter 2: Last

768 41 6
                                    

Bright's POV

"HAHAHAHAHA TAENA KA ANG LT!" tawang-tawang sabi ni Mike na ngayon ay konti nalang gugulong na sa sahig sa sobrang pagtawa.

"Tangina may bulutong pala." gatong pa ni Film na ngayon ay tawa na rin nang tawa. Tsk, magkapatid nga.

"Manahimik kayo. Kung ganon nangyari sayo inyo, lalo ka na Mike, baka mas malala pa kayo sakin." naiiling kong saad at sakto namang pagpasok ng manager namin at inabutan ako ng tubig.

"Ikaw kasi, sinabi ko na sayong mag-lie low ka muna diba? Hindi pa nga alam ng media na nakabalik ka na eh." sermon niya at umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa studio at katatapos lang naming magpractice para sa tugtog namin mamaya sa Metrowalk, at katatapos ko lang ding magkwento tungkol doon sa nangyari kahapong muntik na 'kong dumugin ng fans.

"Di ko naman po inexpect na makikilala nila 'ko kahit na balot na balot ako." paliwanag ko while plucking some random string sa gitarang nasa kandungan ko. Balot na balot naman kasi talaga 'ko non, dinaig ko pa nga ung suman eh.

"Nagtaka ka pa, eh mata ng mga fans mo matalas pa sa mata ng kuwago, talagang makikilala ka." singit ni Yuan saka naupo sa harapan ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa mall? Ha? Ngayon ka palang ulit haharap sa tao kay mag-ingat ka, Bright." sermon pa ni Ate Jella na tinanguan ko lang.

"May bibilin lang sana ako, tas ayon... Bigla nalang may mga babaeng naglapitan tas nakataas mga cellphone."

"Nagpasalamat ka naman ba don sa tumulong sayo? Ha?" tanong ni Ate Jella na muli kong tinanguan.

"Opo, kaso mabilis lang kasi madaling-madali na nga ako non sa pag-alis."

"Hindi mo man lang tinanong ung pangalan? Baka kilala pala tayo non, dapat binigyan mo ng libreng album." ani Mike kaya natawa 'ko bago umiling at muling uminom ng tubig.

"I don't think na kilala niya tayo, or ako at least. Kasi parang takang-taka siya nung mga oras na yon, takang-taka siya kung bakit ako hinahabol ng mga babae, and kung kilala niya 'ko, he would know the reason." paliwanag ko pa at biglang nagtaka ung muka ni Film.

"He? Oh God... Ung fake jowa mo na sinabing may bulutong ka is a boy???" gulat niyang tanong.

"Maka-fake jowa ka naman... Hindi ko naman inexpect na ganon ung sasabihin niya noh, who would've thought na un pala ung pumapasok sa utak ng mga tao kapag nagkagipitan na, and nope, I didn't get his name."

"Ay sayang naman... Pogi ba?"

"Hoy Film!" sigaw ni Mike saka binatukan ang kapatid kaya natawa kaming lahat.

"But I know him with one identity tho..."

"What is it?"

"Bunny iphone case."

-

Win's POV

"Hello po, welcome to starbucks-" natigil ako sa pagbati nang pagka-angat ko ng tingin ay si Kana at Love na nakangiti nang malapad ang sumalubong sa akin.

"Hello Weeennnn!" bati ni Love at pumunta pa rito sa likod ng counter para yakapin ako.

"Hoy gaga hindi ka pwede rito." sabi ko habang hinihila siya papunta sa gilid at saka tinignan ang paligid, wala pa namang masyadong tao.

"Grabe wala bang bestfriend privileges." nakasimangot niyang tanong kaya pinitik ko ung noo niya at sabay namang paglapit sa amin ni Kana.

"Di bagay sayo, wag kang sumimangot." asar ko pa at si Kana naman ngayon ang yumakap sa akin.

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now