Chapter 17: Stop

892 36 13
                                    

Ysa...

Ysa...

Ysa...

Ysa...

Ysa...

"Tangina naman." anas ko saka muling nagbago ng pwesto sa paghiga habang pinipilit ang sariling matulog na.

I don't know, I think it's been a week already since that incident pero hanggang ngayon ay binabagabag at ginugulo pa rin ako nito. After that, his voice will just randomly echo in my head, his voice whispering her name, and does it bother me? Sobra. Naalala ko kung paano ako natigilan nang banggitin niya yon at saka dali-daling lumayo sa kanya, and left without noticing na may tumulo na palang luha mula sa aking mata.

Minsan naaawa rin ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat nararamdaman ang mga 'to, wala naman dapat sakin kung magbanggit siya ng pangalan ng iba, especially his ex, pero sobrang apektado ako at hindi talaga nakakatuwa. It's been a week, at isang buong linggo na rin kaming hindi nagpapansinan.

Aaminin kong ako ung lumayo, and I can see confusion in his eyes minsan dahil pumupunta pa rin ako sa studio nila to visit Film at makipagdaldalan sa kanya, not to mention na nagiging matchmaker pa nila 'ko ni Love, pero iniiwasan ko talaga si Bright. Sounds petty, right?

Pero what can I do? I really don't like the way I'm feeling. I'm feeling things I should not be feeling. Nasasaktan ako pag naiisip ko ung pagbanggit niya sa pangalang Ysa, which is hindi naman dapat, diba? Nakakatanga kasi alam ko namang we're just in this friends with benefits setup, pero I'm acting as if we're more than that. Oo, inamin ko naman nang nagkakaroon na ng ako ng pagtingin kay Bright, pero ang hirap, kasi nasa sitwasyon kami kung saan napakadelikadong mahulog.

"Kingina alas singko na." inis na bulong ko sa sarili ko saka bumangon, and I honestly don't feel sleepy kahit na ilang araw na 'kong hindi nakatutulog nang maayos dahil nga sa nangyari noong nakaraang linggo. Nag-unat ako saka naisipang mag-jogging muna dahil maaga pa naman at mamayang alas syete pa ang pasok ko sa cafe.

-

"Opo, isa lang po." sabi ko sa tindera dahil huminto muna ako rito sa isang tindahan after an hour of jogging para bumili ng tubig, watching as the sun made its way up to the sky.

"Thank you po." saka ako nagbayad at umupo sa sidewalk at uminom, chugging in the cold water and feeling the coldness trace its way down my throat, pero napatigil ako, at napako ang tingin ko sa isang babaeng lumabas mula sa isang kotse na nakaparada sa tabi ng tindahang binilhan ko ng tubig.

She looks awfully familiar.

She's wearing a high waist jeans, crop top at naka-rubber shoes at nakapusod ang buhok, and judging by the way she moves, mayaman.

"Ba't parang feeling ko kilala ko?"

-

"Win Metawin!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Gun nang pagkalakas-lakas sa harap ng mukha ko habang nakapamewang pa.

"Ano na naman? Ba't sumisigaw?" saka ko inilibot ang tingin sa buong cafe at nakitang iilang kabataan lang ang nandito ngayon.

"Panong hindi sisigaw eh kanina pa kita tinatawag at kinakausap, wala akong nakukuhang sagot? Para na naman akong kumakausap sa hangin?" sermon pa niya habang nakataas ang isang kilay kaya bumuntong hininga nalang ako.

"Oh ano ba yon?"

"Ba't ba tulala ka na naman?" umiling ako.

"Wala. May iniisip lang." tumayo ako at pumasok sa counter saka naisipang gumawa nalang ng inumin para sa sarili ko upang maalis naman ang isip ko sa mga bagay na hindi ko dapat iniisip.

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now