Chapter 4: Next Time (Slight 🔞)

1.2K 33 18
                                    

Win's POV

Tangina. Putangina. Shutangina. Kingina.

Yan lang ang mga kataga at bagay na tumatakbo sa isipan ko kanina pa mula nung makaalis si Bright at iabot niya sa akin itong card niya.

"Hoy Tawin, dapat nanatili ka nalang sa inyo kung tutulala ka lang din. Ba't ba kasi pumunta ka pa rito?" tanong ni Gun habang umuupo sa harap ko na may dalang isang tary na may lamang banana bread at kape.

Pinilit ko siya na magtatrabaho ako ngayon pero sabi niya ay wag na dahil naipaalam naman na ako, at umakto nalang daw akong customer ngayong araw.

"H-ha? Ahh... Wala lang." sagot ko at nag-iwas ng tingin bago muling sulyapan ang card na nasa kamay ko. Should I go? Would he be waiting for me?

Pero kasi anong gagawin ko don? Magpapaturo kung paano humalik?

"Ahm Gun?" tawag ko.

"Hmm?" okay fine.

"Alam mo kung saan ung East Raya Residences?"

-

Wala na bang atrasan 'to? I am now standing in front of his door at ang kulang nalang ay pindutin ko ang doorbell, pero tila napako na sa kinalalagyan ang mga kamay ko at wala na silang balak pang gumalaw.

Tumingin ako sa paligid only to see silent surroundings, plenty of doors, plant decorations, and the enormous glass roof sa gitna, letting you have a view of the perfectly painted blue turning orange sky. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang malapit nang mag-alas sais at kung nagtataka kayo kung bakit maaga pa, mas mahaba kasi ang araw kaysa sa gabi.

I looked down at myself, wearing an oversized sweater na lagpas ang manggas sa mga kamay ko, denim ankle cut jeans, at sneakers. Ganito ba talaga suotan ng mga makikipagmomol?

I shook my head to eliminate those thoughts, nababaliw na ata ako, bago buksan ang cellphone ko at nakita kong 5:59 PM na... 57, 58, 59, 00. 6:00 PM.

Pagpatak ng alas sais ay tila nahigit ang hininga ko sa hindi malamang dahilan at nagsimulang magtaasan ang mga balahibo ko. Akmang pipindutin ko na ang doorbell nang bigla akong makarinig ng kaluskos na nagmumula sa kabila ng pinto kaya nanlaki ang mga mata ko agad akong tumalikod, paalis na sana nang-

"Win?" okay wala na nga talagang atrasan.

-

"Pasok ka." ani Bright habang pinagbubuksan ako ng pinto na sinuklian ko lang ng isang maliit ng ngiti. Shet nahihiya ako???

"Ahm you can sit down muna, I'm cooking us food. Kanina ka pa ba nandun sa labas?" tanong niya at ngayon ko lang napansin na medyo basa-basa pa ang buhok niya, mukang kaliligo lang.

"A-ah hindi naman..." pagsisinungaling ko at kahit na malamig dito sa unit niya, ramdamb ko pa rin ang pagtagaktak ng malalamig na pawis sa noo at mga palad ko.

"Ba't nung lumabas ako parang paalis ka na?" tanong pa niya saka dumantay sa lamesa at humarap sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang paglapit ng muka niya. Paalis naman na kasi talaga 'ko.

"A-ano kasi... Kala ko mali ung unit, kala ko h-hindi ito ung iyo, kaya paalis na sana ako..." napapikit ako nang mariin oras na tumalikod siya para kunin na ang mga niluluto niya. Taena apakasabaw naman nung pagsisinungaling na yon.

"Ahh buti nalang pala lumabas ako... Feeling ko kasi may tao sa labas, meron nga." natatawa pa niyang sabi bago tuluyang umupo sa harap ko at ngumiti.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon