Chapter 5: Get To Know (Slight 🔞)

967 37 10
                                    

Win's POV

"Tawin, nakatulala na naman." rinig kong sita ni Gun kaya napatingin ako sa kanya at sa paligid.

"Napapadalas yang pagkatulala mo ha?" anas pa niya saka ako tinignan na tila ba inuusisa niya akong mabuti kaya iniwasan ko siya ng tingin.

"Luh? Sinasabi mo?" palusot ko pa saka napagtantong may hawak pala akong basahan kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagpupunas dito sa may counter nang magsalita ulit siya.

"Hoy, black talaga kulay niyang counter na yan. Ano? Buburahin mo ba? Kanina ka pa punas nang punas." sita niya pa kaya napatigil ako at napatingin sa kanya bago tumikhim at itabi ang basahan habang ramdam ang pamumula at pag-iinit ng muka.

"Ba't ka gg-"

"Oh my God Win?" anas niya bigla kaya humarap ako sa kanya pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at hawakan ang magkabilang pisngi ko kahit na mukang hirap siya dahil mas matangkad ako sa kanya.

"H-ha?" tanong ko habang pinipilit na tanggalin ang hawak niya pero mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"Ano yan? Anong nangyari sa labi mo?" tanong niya dahilan para mapatigil ako sa paggalaw at tila na-stuck na ang hininga ko sa lalamunan ko. Fuck.

"A-anong meron?" kinakabahan kong tanong habang sinusubukang iwasan ang mga mata ni Gun na sinusundan ang akin.

"Anong anong meron? Bakit mugto yang labi mo? Tsaka ano yan- sugat?" tanong pa niya kaya pilit akong kunawala sa pagkakahawak niya at sinubukang itago sa kanya ang muka ko. As if posibleng mangyari yon.

"B-binabalatan ko kasi..." sagot ko pero mas tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Binabalatan? Oh sige yang sugat, eh yang buong labi mo?" usisa niya pa.

"K-kumain ako ng maanghang na noodles kagabi." palusot ko pa pero kung hindi ako tinaasan ng kilay ay pinaningkitan naman ako ng mga mata.

"Noodles... Sinong ka-momol mo?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya agad ko siyang naitulak at narinig ko ang pagtawa niya habang ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng muka ko at tila gusto ko nalang lumubog sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

"Bibig mo Atthaphan!" sita ko pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Sandale HAHAHHAHAHA itsura mo Tawin!" halos mangiyak-ngiyak niyang saad habang nakahawak sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa.

Nag-iwas ako ng tingin at tahimik na hiniling na sana ay may umorder na para mabaling na ang atensyon ko sa iba pero sa kasamaang-palad ay working hours kaya walang masyadong tao ngayon dito.

"Ano ayos ka na ba?" tanong ko kay Gun na ngayon ay nagpupunas na ng luha sa katatawa.

"Ung itsura mo HAHAHA! Confirmed, may ka-momol nga." tawa pa niya kaya napailing nalang ako at wala sa sariling napangiti nang maalala ko lahat ng nangyari kagabi.

I remembered how we spent another hour making out on his living room pero we didn't do anything more than just kissing and him teaching me the correct way of doing it. His exact words were we have a lot of time, I can teach you all the things and learning takes time, kaya ngayon, puro halik lang muna.

I don't know but there's something in him and the way he speaks that draw me closer and deeper, I just can't really point it out, but you get it, right?

"Gun, nga pala." tawag ko saka lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Oh? Ano yang tinginan na yan?"

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now