Chapter 3: Tonight

726 34 2
                                    

Win's POV

"Arghhh fuck..." daing ko habang nakahawak sa ulo at mariing nakapikit ang mga mata dahil tila may pako sa ulo ko at may martilyong pumupukpok dito.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga, at liwanag mula sa binta ang sumalubong sa akin bago ko pa man mabuksan ang aking mga mata. Matapos makapag-adjust sa liwanag ay agad kong kinuha ang telepono kong nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama, at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na. Wtf ano 'to? Alas onse na?

"Argghh putangina." daing ko pa at agad na tumayo dahil, duh, sobrang late ko na sa trabaho ngunit natigil ako sa pagtungo sa banyo nang mapagtanto kong ni isang tawag o text man lang mula kay Gun, o kay Nikki ay wala akong natanggap kaya umupo ulit ako sa kama at tinawagan si Gun.

"Hello?" sagot niya kaya ini-loud speaker ko ito.

"Hoy? Gagi bakit hindi mo 'ko pinuntahan dito? Alas onse na?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo pero isang tawa lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Sinadya ko nga yon." sagot pa niya na mas lalo kong ikinataka habang naririnig ang boses ni Nikki sa kabilang linya.

"Anong sinadya?"

"Hangal ka, alam kong may hangover ka pa kaya nga hindi na kita pinuntahan para makapagpahinga ka muna, ako na bahala rito." sagot pa niya at kung kanina'y takang-taka na 'ko, mas nagtaka pa 'ko ngayon— hangover?

"Anong hangover? Bakit ako magkaka-hangover?" nakarinig pa ulit ako ng tawa bago niya 'ko sagutin.

"Awit wala kang naaalala kagabi?"

"May dapat ba 'kong maalala?"

-

Bright's POV

"Yes, so eto ung offer." should I visit?

"Basahin niyo, just tell me if go kayo." to give my thanks again?

"For Film, Mike, Bright- Bright." I should probably ano? Just to-

"Bright!"

"Po!?" napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ang sigaw ni Ate Jella kaya gulat akong napatingin sa kanila at nakita ko ang kamay niya sa harap ko na may iniaabot na papel kaya agad ko itong kinuha at tumikhim.

"Kung hindi late, tulala naman." sabi ni Mike kaya naramdaman ko ang pag-iinit ng muka ko dahil sa kahihiyan at tumungo nalang. Shet? Natutulala ako? Pinaningkitan pa ako ng mata ni ate bago magpatuloy sa kung ano mang sinasabi niya at kung ano- ay hindi ko alam.

"Okay so as I was saying, JNC Enterprises offered na magperform kayo sa 50th Founding Anniversary nila sa October. This was actually a good offer, imagine that's JNC and then na-discover kayo?" manghang saad ng manager namin.

"JNC? Sa Korea?" tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga salitang naka-print sa papel na hawak ko.

"Yes."

"Wow taray, Korea yan ghourl?" ani Film na ngayon ay konti nalang mapupunit na ang labi sa sobrang pagngiti.

"Pano yon? Pupunta kami sa Korea?" tanong ko pa.

"Yes. I think it's because of the controversy doon sa biglaang pagbalik ni Bright at paglitaw doon sa tugtog kagabi, kaya news broke out and the media was on fire, kaya rin siguro nakarating ang banda niyo sa kanila and they became interested." ani Ate Jella saka humigop sa kape niya at nakita kong nagsitanguan ang iba kong ka-banda kaya tumango na rin ako.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon