Chapter 14: Whipped Cream (🔞)

1.1K 31 8
                                    

"I think may nagugustuhan na nga ako." tumingin naman siya sa akin saka ngumiti at bigla nalang nagsimulang bumilis ung tibok ng puso ko, at kung bakit? Hindi ko alam. Ang dami kong hindi alam sa planet Earth.

"Great. So ayon, kaya ko natanong is because I want to write a love song sana... And hihingan sana kita ng lyrics hahaha if that's fine?"

He's writing a love song?

Umusog ako palapit sa tabi niya at tinignan ung papel na nakapatong sa mga hita niya't nakitang meron nang nasimulan pero maikli palang.

"A love song? Para kanino?" tanong ko at nakita kong napangiti siya bago umiling.

"Wala naman. Just really wanted to include a long song, an acoustic one to our upcoming album." tumango ako at hiningi mula sa kanya ung lyric sheet, and I swear natigilan ako nang mabasa ko ung unang verse... Oh my God...

Ikaw ay nakilala nang hindi inaasahan
Mga ngiting gumuguhit sa aking labi ay hindi na mabawasan
Marami rin ang nagsasabing ako'y nabighani sa unang pagkikita
Dahil hindi na magawang alisin ang tingin sa'yong mga mata

"W-wow..." iyan ang tanging lumabas sa bibig ko and I can't help but wonder, where did this lyrics came from? Ito na naman ung mabilis na pagtibok ng puso ko dahil shet ka malupet, parang sobrang relate ko sa lyrics? Parang...

Parang ganito ung eksaktong naramdaman ko nung una kong nakilala si...

"Bright?"

"Yes?"

"Ang ganda... Ang ganda nung lyrics." narinig ko naman ang pagtawa niya saka nagsimulang tumipa sa gitara.

"Ang baduy nga eh. I have a feeling na hindi siya magugustuhan ng mga fans." saad niya kaya naman kunot-noo ko siyang hinarap.

"Hoy grabe ka naman sa gawa mo, di pa nga tapos eh. Tsaka maganda kaya, kahit umpisa palang the message is clear."

"Really?" tumango ako.

"May tono na ba? Can I hear it? I'm sorry di ako marunong sa mga ganito, pero I'll try." ngumiti naman siya at tumango bago nagsimulang mag-plucking.

Habang tinutugtog ni Bright ang panimula ng kanta ay hindi pa rin maalis sa isip ko ung liriko. I don't know why pero unang basa ko palang, parang may kakaiba na, parang may something? At hindi ko man aminin ay medyo kinakabahan ako dahil baka imbis na matulungan ko siya sa pagsusulat ay masabi ko lamang sa pamamagitan ng kanta ang nararamdaman ko dahil ganyang-ganyan talaga noong una ko siyang nakita sa Starbucks na balot na balot pero kahit na ganon ay nangibabaw ang kagwapuhan niya, and starting that day hindi na siya nawala sa isip ko, hanggang sa umabot na kami rito.

"Ikaw ay nakilala... Nang hindi inaasahan. Mga ngiting gumuguhit sa aking labi, ay hindi na mabawasan." kanta niya and God, how can someone look this good while playing the guitar and singing at the same time? Plus his voice is— shutacca Win magtigil ka!

"Marami rin ang nagsasabing, ako'y nabighani sa unang pagkikita. Dahil, hindi na magawang alisin ang tingin, sa'yong mga mata." he continued plucking pero humuni na lamang siya dahil wala pa nga ung kasunod na lyrics and I was about to get ready na malunod sa napakaganda niyang boses nang biglang sumagi sa isip ko ang pangalang Ysabella.

I completely forget about her kanina nung pinag-uusapan namin siya ni Film dahil nga dumating na sina Bright at nalihis ang utak ko sa pang-aasar nina Yuan, at ngayong dinadamdam ko ang liriko ng kantang isinulat niya ay bumalik na naman siya sa isipan ko. What if para sa kanya pala 'to? What if she's the inspiration behind the song? What ganito rin pala ung naramdaman ni Bright nung nagkakilala sila-

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now