Prologue

1.5K 37 6
                                    

Bright's POV

"Mike nasan ka na?"

"Aba kupal ka, ako dapat nagtatanong niyan sayo. 15 minutes late ka na oy!" bulyaw sa akin ng kaibigan ko kaya inilayo ko ang telepono mula sa tenga at ini-loud speaker ito saka tumungo sa cabinet para kumuha ng damit. Lintek sa dami ng araw, ngayon pa 'ko nalate magising.

"Nagbibihis na, will be there in 10." sagot ko at hinablot nalang ang unang jacket at pantalon na nakita ko saka isinuot, saka umupo sa kama at nagsapatos.

"Awit sayo. 30 minutes na kaming nag-iintay dito tapos ikaw katatapos palang maligo?" sermon pa ulit muli sa kabilang linya at sa boses ay si Film ito.

"Eto na paalis na. Bibili lang ako ng kape." sagot ko, hindi ko na sila hinintay pang makasagot at ibinaba na ang tawag saka kinuha ang susi ng kotse ko bago lumabas, hindi na nag-abala pang magsuklay.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad kong tinakbo ang lokasyon ng kotse ko saka sumakay at pinaandar ito, mentally cursing myself for not taking note na traffic na nga pala ng ganitong oras.

"Come on..." bulong ko sa sarili ko, glancing at my watch from time to time para tignan kung gaano katagal na ba 'kong late, while tapping impatiently on the steering wheel. Napasandal nalang muna ako, looking at the remaining time bago mag-go at tinignan ang backseat, only to see it comfortably seating there. Buti nalang hindi ko na ibinaba kagabi.

Nang maging berde ang kulay ng traffic lights ay agad kong tinapakan ang gas saka lumiko patungo sa parking lot ng starbucks para bumili ng kape. Bakit ba kasi wala silang drive-thru rito?

"Good morning sir." bati nung staff pagkapasok ko na sinuklian ko lang ng tango, not bothering to smile dahil hindi niya rin naman makikita dahil sa suot kong mask at shades, pati cap. Tangina muka akong magnanakaw.

"Iced coffee and matcha infusion for Sir Andrei?" rinig kong sigaw ng isang staff, nangingibabaw ang boses niya kahit na maingay dito sa loob. Agad akong pumila, tapping my feet impatiently at hindi na nag-abala pang tumingin sa menu dahil iisang kape lang naman ang binibili ko palagi.

"Good morning sir! Welcome to Starbucks, may I take your order sir?" nakangiti at masiglang bati nung staff na kanina ring sumigaw. Bago ata siya, ngayon ko lang siya nakita rito.

"Yes good morning uhm... I'll take one caramel macchiato please." sagot ko pero mga ilang segundo na ay hindi pa rin siya gumagalaw at nanatili lang na nakatitig sa akin kaya luminga ako upang siguruhing sa akin nga siya nakatingin. Bigla akong kinabahan nang mapagtanto kong baka nakikilala niya ako.

"Hello?" tawag ko at tila natauhan siya at agad na pumindot ng kung ano dun sa monitor sa harap niya.

"Ah opo, iced po ba or hot?"

"Iced. Also, you accept cards, right?" tumango siya at nakita ko kung paano magsimulang mamula ang mga pisngi niya kaya napatungo ako at mahinang natawa saka dali-daling kinuha ang card ko mula sa wallet at iabot sa kanya.

"Pangalan nalang po sir?"

"Bright."

-

"Wow buti dumating ka pa." bati sa akin ni Film pagkapasok ko sa practice room at nakita kong ako nalang ang kulang. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako at isinukbit na ang gitara sa katawan, at ganon din ang ginawa ko.

"Bright, ang aga natin ah?" bati naman sakin ni Ate Jella, manager namin kaya nag-peace sign ako at pumwesto na.

"Anong ginawa mo kagabi? May kinaka ka na naman noh?" walang kagatol-gatol na sabi ni Mike kaya nagtawanan ang lahat at nilakihan ko siya ng mata.

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now