Chapter 8: Pafall

732 32 2
                                    

"Hoy gagi san tayo pupunta? Ba't bigla ka nalang nangkakaladkad?" tanong ko kay Bright na ngayon ay pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse.

"Sumama ka kaya." natatawa niyang saad bago umikot papunta sa driver's seat.

"Panong hindi, eh hinila mo na 'ko." sagot ko pa.

"Win, after mo kumain, sama ka sakin?" tanong niya kaya napatigil ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Saan?"

"Basta..."

"Nyi? Anong basta? Tsaka may trabaho pa 'ko noh. Diko na kayang magcut." natatawa kong saad, rememberin how I literally went out on 3:00 just to go to Bright's condo.

"Tsaka-"

"Ehem, pwede ka na umuwi." napatingin kami pareho sa pinto nang may magsalita at nakitang si Gun ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ha?"

"Bingi ka dzai? Pwede ka na nga umuwi. Feeling ko masyado ka nang pagod ngayong araw, kaya ayos lang. Sama ka na kay Bright." pinanlakihan ko siya ng mga mata pero nginisian lang ako bago umalis at isara ang pinto leaving me and a smirking Bright alone again.

"Pano ba yan? Pwede na raw."

Kaya ayon, nandito na 'ko dahil sa pambubugaw na ginawa sakin ng kaibigan ko at hindi ko alam ang dahilan niya.

"San nga tayo pupunta?" tanong ko pa habang pinapanood siyang iatras ang sasakyan na tila sanay na sanay na siya sa pagmamaneho.

"Papakilala kita sa mga ka-banda ko."

-

"Wowwww! Himala, maaga sa practice ngayon si Mr. Vachirawit- oh..." iyan ang bumungad sa amin pagkapasok namin dito sa parang building na 'to at agad kaming dumiretso sa third floor, at dito sa kwarto na 'to. Isang kwartong tila studio ang dating at ang isang haligi ay gawa sa salamin kaya naman kita mo ang lahat. Sari-saring mga musical devices din ang nandito at instruments— gitara, piano, drums, bass— at mga amplifiers at microphones na nagkalat. Nakita ko rin ang isang babae na siguro ay mas maliit lang sa akin nang kaunti at dalawang lalaki na kasing-tangkad namin ni Bright, at mukang ito na ang mga ka-banda niya dahil naaalala ko pa sila nung nagperform sila sa Metrowalk.

Speaking off, tangina neto ni Bright hindi ko maintindihan kung ba't ako sinama rito, kahit na anong pilit ko na wag na dahil na kakahiya at wala namang rason para ipakilala niya 'ko sa mga ka-banda niya.

"Uy may kasama?" ani ng isang lalaki na may nakasukbit na bass sa katawan.

"Ah oo." sagot ni Bright at inaya ako na tumayo sa tabi niya dahil nakasunod lang ako sa kanyang likod.

Shet nakakahiya talaga 'to.

"Uhm nga pala, this is Win, ung kinukwento ko sa inyo." gulat akong tumingin sa kanya at nakita ko rin ang gulat sa mga nata ng mga taong nandito. Kinukwento???

"Ohh siya ung nabangga mo tas natapon mo ung dalang gatas?" tanong nung isang lalaki kaya napatungo ako at ramdam ko na pagsibol ng kahihiyan sa katawan ko. The fuck? Kinuwento niya yon?

"Siya ba ung nagsabi na mah bulutong ka-"

"Film." tawag ni Bright kaya napatigil ito sa pagsasalita at nanatili lang akong nakayuko dahil sa sobrang hiya. Tangina nito ni Bright humanda ka sakin mamaya.

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now