Kabanata 12

10 0 0
                                    

Kabanata 12

Favorite place

Tumunganga ako sa kinatatayuan ko at pinag masdan siya papalapit sa sasakyan. Ipag-what? Ipagmamaneho ko siya?

Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. Yumuko siya para iadjust ang seat niya. Habang ginagawa iyon ay nilingon niya ako. Nagtaas siya kilay.

"Di ka pa sasakay?"

"Hu-huh? Ah!"

Nagmadali akong nag punta sa driver's seat. I mirrored his actions. Inayos ko rin ang seat ko. Habang ginagawa iyon ay nilingon ko siya.

"Kaya ko na mag isa. Umalis ka na at asikasuhin ang kailangan mong gawin.

"Sumakay ka na," aniya at sumakay na.

Sumakay din ako agad nang maayos ko na ang uupuan. I started the engine. Inilagay ko sa backseat ang handbag ko dahil ayokong ilapag sa sahig ng sasakyan. Sumunod ang mata ni Trevante sa bag ko. Sumulyap siya sa akin.

"Seatbelt," aniya.

Tumango ako at sinuot nga ang seatbelt ko. Nang naka ayos na ay nilingon ko siya.

"Akala ko ba may lakad ka? Kaya ko naman na mag isa..."

"Hindi ako mapapanatag. Baka sa High way pa lang maaksidente ka na..."

Sinipat ko siya at tinitigan ng masama.

"What do you take me for? I learned to drive for just two days if you have forgot. Kayang kaya ko na rin ito." Pagsusuolada ko. Inirapan ko siya. Ugh nakakainis! Did he just belittled me?

"Okay then show me. Patunayan mo muna na kaya mo..."

Binaling ko ulit ang mata ko sa kanya. I thouggt I saw him smirking but his smiled vanished when I turned to him. Marahan siyang umubo at tumuwid sa pagkakaupo bago lumingon sa labas.

"Kaya ko nga at kaya ko mag isa. You can go now-"

"Do you want my to call Hale then?"

Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay. Ang siko ay tinuko niya sa puntuan ng sasakyan at inihilig sa kamao ang ulo.

"N-no!"

Nag iwas ako ng tingin.

"Then drive. I'll tell you the directions. Didn't know you were a nagger..."

Hindi ko nakuha ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong iyon. I let out a deep sigh before starting the engine. Hindi na ako kumibo. Sa buong byahe ay sinusunod ko ang mga direction na sinasabi niya. He was and effective teacher dahil kahit ang basic lessons ay sinsabi niya such as when to overtake or which lane I should go.

"Turn on the next left tapos diretso na mula roon," aniya.

I've been driving for forty-five minutes. Hindi ko alam kung nasaan kami. The gps is telling me thay we are in Palayan city. Iniliko ko ang sasakyan sa sinabi niyang dapat likuan at tama nga siya dahil mula roon ay diretso na lang ang daan.

I realized that I was driving uncomfortably dahil tuwid na tuwid ang pagkaka upo ko habang ang kanang paa ay nakatapak sa gas pedal at ang dalawang kamay ay mariing nakakapit sa steering wheel kaya sumandal ako.

"Kaya pa?"

Mabilis ang pagsulyap ko kay Trevante at tumango. I almost forgot that he's with me. I nodded. Tinutok ko na lamang ang mata ko sa daan. Nakaramdam ulit ako ng konting pagkainis dahil sa pang mamaliit niya sa akin kanina.

Wala naman na siyang sinabi na direction kaya tuloy lang ang pagmamaneho ko. A couple of minutes had passed when his phone rang. He cleared his throat before answering the call.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now