Kabanata 5

7 0 0
                                    

Kabanata 5

Experience

I spent the after noon trying to fix the shelves with my tools pero nahihirapan ako dahil mabigat. Nagluto muna ako at nag tanghalian bago muling gumawa. I locked my door so they wouldn't disturb me.

I tried to make the whole thing stand pero nabibigatan ako kaya napipilitan akong ibaba. Baliwala na tuloy ang panunuod ko sa laptop na tungkol sa pagdadrive dahil sa pag aayos ng shelf na ito.

Maybe I really need man power?

Umiling ako. I can do this. I have the remaining days for this bago magpasukan. Okay lang na matagalan kesa mang abala ng ibang tao.

Speaking of them. Maingay sa kabilang unit. May naririnig ako mga tawanan na may kasabay rin na music. They are all having fun. Minsan tuloy akong nadidistract pag gumagawa ako.

Mag gagabi nang nakaramdam na ako ng pagod. Tumayo ako para tignan ang nagawa ko pero nadisappoint ako dahil hindi naman dapat ganon ang itsura ng estante na ginagawa ko. Hindi rin stiff kung susubukan king itayo.

Nawalan na ako ng pag asa para sa araw na iyon kaya tinabi ko na ang mga tools ko at umakyat na sa taas. I took a warm bath. Isang terno silk spaghetti strap at pajama ang suot ko. I opened the aircon habang nagpapatuyo ng buhok. Ang laptop ay nasa kama ko habang naka play ang isa pang video.

I know the basic steps now pero hindi ko pa nagagawa ng actual. Bukas pa raw ang dating ng aking lisensya pero handa na ba ako?

Nang tuyo na ang buhok ko ay humiga na ako.The lights are dim now. Nakapatay na rin ang laptop sa aking gilid. Pumikit ako at inisip na makakatulog na ng ilang sandali pero wala. Nadilat ako ng may narinig muli akong tawanan.

Napabangon ako. Nang gagaling iyon sa labas at medyo maingay din ang kanta nila. Tumayo ako at nag tungo sa bintana. Sumilip ako doon pero wala akong makita. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lalong lumakas ang tawanan.

I stepped out of my veranda. Malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. I hugged myself. Medyo hinimas ko ang magkabilang braso para maibsan ang lamig. Nang tumingin ako sa baba ay nakita ko sila roon. Nakapaikot sa lamesa na may iba't ibang inumin.

I saw Viola sitting beside Roy. Nag uusap sila at nagkukwentuhan. May katabing isang pang lalaki si Roy na siyang kausap si Trevantè. Si Hale naman ay kasalukuyang nagbubuga ng malaking usok habang naka tingala. Hinampas siya ni Ariana. At muling humarap kay Trevantè.

They are having fun. Pare-parehong may ngiti sa labi habang nagkukwentuhan. If daddy did not die maybe I have this kind of life too. Masaya at malaya.

Nakita kong hinawakan ni Roy ang kamay ng lalaking katabi niya. Pinagsikop niya ang kamay nilang dalawa kaya natingin sa kanya ang lalaki. Ngumisi si Trevantè at inabot ang baso niya sa lamesa. Kasabay ng pag simsim niya roon ay ang pagtaas ng tingin niya sa akin.

Our eyes immediately. Napatigil siya saglit sa pag inom bago nagtuloy at binaba ang baso. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Uminit ang sistema ko dahil roon kahit na malamig ang hangin pati na ang sahig at wala akong sapin sa paa. Naka upo siya at naka parte ang dalawang hita. Pinag krus niya ang mga braso niya sa kanyang dibdib at nanatili ang titig sa akin.

Ariana tried to talk to him pero napansin niyang may tinitignan ang kausap. Bago pa man niya ako makita ay mabilis na akong hunakbang papasok sa loob ng kwarto at sinarado ang pinto.

I was breathing heavy when I locked the door. I dived to my bed before closing my eyes. Ano yun?

Hindi ako agad nakatulog kaya kinabukasan ay late akong nagising. Kundi pa ako nakarinig ng kumakatok sa baba ay hindi ako magkukumahog sa pag bangon at pag baba. Ni hindi ako nakaoag suot ng tsinelas. Pipihitin ko na lamang ang door knob nang pigilan ko ang sarili ko.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now