Kabanata 7

4 0 0
                                    

Kabanata 7

I.D

Ayon sa tricycle na nasakyan ko ay may tatlong gate na maaaring pasukan nang sabihin ko ang pangalan ng paaralan ko. Main gate ang sinabi ko dahil hindi ko rin naman alam kung saan ang mga sinasabi niya. I gave the man a 50 peso bill after almost a minute of ride. Nahihiya pa nga akong tumalikod dahil iniisip ko na kulang ang binigay ko ngunit iyon lang ang pinaka maliit na bill na meron ako.

I entered the premises. Expected ko na may guard na sasalubong sa akin pero wala. Tuloy tuloy ako at lumagpas sa guard house. The campus is vast and wide pero wala pa halos tao. Konti lang at hindi lalagpas sa daliri ng kamay ang mga namataan ko.

Today I'm wearing a maong jeans, an over sized shirt covered with a royal blue hoodie and sneakers. Naghanda ako ngayong araw. Naka ayos ang buhok ko at naglagay ng face powder dahil magpapakuha ako ng ID picture ngayon. Pansamantala lamang naka takip ng face mask ang mukha ko.

But where?

Ang sabi ay may sasalubong na guard pero wala naman tao roon. Maaga pa para sa lunch break. I turned to the right. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I'm scared to ask a stranger.

With a sigh I continue walking. Maybe I would see a campus map if I continue walking.

Napadpad ako sa engineering campus. Bakante ang mga unang classroom na nadaanan ko kaya nakampante ako. Medyo bumagal lang ang lakad ko nang makarinig ng mga tawanan sa susunod na classroom na siyang madadaanan ko. Nakatingin ako sa pinto num na bukas pero wala naman lumalabas.

Summer class, Alicia. Chill. Hindi ka nila kakausapin kaya magtuloy tuloy ka lang sa lakad. Iyon ang paulit ulit na sinabi ko sa sarili ko hanggang sa makararating ako sa tapat nun. Tahimik at nakayuko akong naglalakad kaya hindi ko napansin ang nakabanggan.

I almost fell down when I collided with someone. I heard a few "Ohs".

"Ay!" sigaw ng isang babaeng hindi ko pinansin.

"Uy!" ani ng nabangga ko. It's a guy.

Napahawak sa magkabilang siko ko ang lalaki. Agad akong lumayo sa kanya. Hindi ko nakita ang nakabanggan ko pero agad akong nagsorry. Nakayuko ako at mabilis silang nilagpasan.

"Uy miss sandali!"

Lalo akong nagpanic sa pagtawag ng siguro ay nakabanggan ko. I started sprinting off. May nakita akong lilikuan na hallway kaya mabilis akong lumiko roon. I turned to see if they're still looking while I'm running. And once again I collided to a wall due to my clumsiness of looking at my back while running.

I fell on my butt. Agad kong ininda ang sakit na naramdaman sa pang upo ko. I hissed to the pain I felt. Sumabog ang buhok. Tingin ko ay nagulo ang half bun na ginawa ko kanina bago ako umalis.

"Ouch," My hand reached for my hips.

"Sorry miss- Naomi?"

Napahinto ako sa pag inda at nagtaas ng tingin sa pamilyar na boses.

I'm not sure if I should be happy that I did not collide to a wall or that Trevante is standing right in front of me. Kunot ang noo at nakayuko habang nakatingin sa akin.

Agad akong tumayo at di inalintana ang sakit na nararamdaman sa pang upo. Tumuwid ako sa pagkaka tayo at hinarap siya.

"T-Trevante!"

"Bakit ka narito... Dito ka ba nagaaral?" Lumingon siya sa magkabilang dulo ng tahimik na hallway bago binalik ang mata sa akin.

Tumango ako.

"Oo. Dito 'yong sinabi ko na school na lalakarin ko," sambit ko.

Kunyari kong pinagpag ang pantalon ko kahit ang totoo ay gusto kong hawakan ang kumikirot na bahagi ng katawan ko na tumama sa sahig. Sumulyap ako sa kaniya. He's watching my actions.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now