Kabanata 2

12 0 0
                                    

Kabanata 2

PDA

I used to have a fancy life. A comfortable live style. Lumaki ako na may nakahaing apat na putahe sa lamesa tuwing tanghalian kahit tatlo lang kami sa hapag nila Daddy at Mommy. I used to have my own yaya and another three maids in the house. I'm used to have the things other children wish for but I'm not spoiled. Hindi sa paggiging hambog pero alam kong mabuti akong bata.

I used to have three to five toys at a time. Hindi ibinibigay sa akin ng isang bagsakan ang lahat. Hindi rin naman ako sakim kaya lumaki akong nagpapakumbaba kahit na may kaya ako.

Borris is one of those people who saw me growing up. Kanang kamay siya ni papa pagdating sa kaligtasan namin sa bahay o sa kung saan kami pupunta. Daddy is a lawyer kaya maraming kaalitan. Mommy is a plain haciendera of a vast land in our hometown kaya hindi laging lumalabas.

Everytime I go out, Borris and my yaya are with me. Nakita ni Borris ang kapilyahan ko paminsan minsan. Nakita niya kung paano ako magalak. Nakita niya rin kung paano kami madurog ni mommy nang mamatay si Daddy. Mommy was a wreck na halos makalimutan niyang nasa tabi pa niya ako. Borris is a very stiff man but he was like a father to me during those times.

He was there until my mom met Tito Raul. I cried so much when mommy said that Borris is not coming with us. I cried like I lost another father. I remember crying in his arms. A little girl with a big bow in her hair, crying in the arms of a very big man.

"Bakit hindi ka kasama? Wala akong makakasama, Borris..."

Humahagulgol ako habang naka akap sa kanya. Alam kong nasa likod ko si mommy, Tito Raul at ang anak niya. Ngayon ang alis namin. Dalawang araw na nang malaman ko na hindi na nga kasama si Borris. Ngayon lang ako tunay na humagulgol dahil napagtanto kong hindi ko na siya makakasama.

"Hindi na ako nagtatrabaho sa iyong ina, Miss," that's how he calls me. While I call him by his name, he calls me with respect.

Lumayo ako ng konti sa kanya. Nakaluhod siya para mag lebel ang tingin namin. Ang isang kamay ay siyang humahagod sa aking likod. My small hands are resting on his chest. He firmly smiled at me.

"Magkikita pa rin tayo, miss. Huwag kang mag alala."

Tumigil na ako sa pag iyak ngunit nahihikbi pa rin ng kaunti. Nanlalabo ang mata kong nakatingin sa kanya. Muli siyang ngumiti at pinunasan ang luha sa aking pisngi gamit ang daliri niya.

May humawak sa balikat ko. Hindi ko na nilingon dahil alam ko kung sino yun.

"Pag bumalik tayo narito pa rin si Borris, Alicia. Hindi lang siya sasama sa bagong bahay natin..."

Mahinahong sambit ni mommy. I kind of hated her for a time. I was left by myself with Borris and Tita Sandra. I mourned too but I didn't forget about her. Ngayon ay mawawalay ako sa taong nasandalan ko sa mga panahong mag isa lang ako.

"Pag walang trabaho bibisitahin kita, miss," si Borris.

I sniffed. Nakayuko na lang ako dahil nalulungkot talaga akong mawalay sa kanya. I lost my yaya months ago and now I'm gonna lose him too.

"Pag bakasyon babalik tayo, Cia. For now we have to go..." bahagya akong hinatak ni mommy para sumandal sa kanya.

"Promise?" maliit ang boses ko nang tumingala ako kay mommy. Iyon na lang ata ang mapapanghawakan ko.

Ngumiti si mommy at tumango. Si Borris naman ang tinignan ko ngayon. Tumango rin siya at ngumiti. I pouted.

"Alicia, we need to go..."

Bulong ni mommy. Naramdaman kong nawala ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Sige na, miss. Matatagalan kayo," si Borris.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now