Kabanata 11

10 0 0
                                    

Kabanata 11

Maneho

"So, from now on dito ka na dadaan?"

Sabay na kaming naglalakad ngayon. Katulad sa open field na lagi kong pinupuntahan ay hindi rin matao dito. Siguro ay dahil maaga pa? ayos lang dahil baka s aumaga at hapon lang rin ako dadaan dito at hindi na ako makikita pa ni Hale.

I nodded.

"Bring your car next time kahit na malapit lang naman ang apartment mo. Practice na rin,"

Muli akong tumango sa kanya. Maybe I can park my car on the hospital's parking lot. At tama siya na pwedeng practice ko na rin iyon.

Mabagal ang lakad naming dalawa. Ako ay nakahawak sa strap ng back pack ko. Siya naman ay nakapamulsa habang ang backpack ay nakasabit sa kanang balikat. The eight am air is refreshing. Kung wala lang akong klase ay tatambay na muna ako sa labas.

Akala ko nang makatapat kami sa entrance ng building kung nasaan ang klase ko ay magpapaalam na siya ngunit nauna pa siyang pumasok. Nagmadali tuly akong sumunod sa kanya paakyat sa hagdan. Naabutan ko siya kaya ngayn ay sabay na kaming umaakyat. Dito rin kaya ang klase niya?

Sa pangatlong palapag pa ang classroom ko kaya ang dami kong nakasalubong. At napansin kong halos lahat ay nababali ang leeg sa pagtingin sa akin... o kay Trevante. But unlike the people who greets Hale when they see him, walang nagtangkang kumausap o bumati kay Trevante kahit halatang kilala nila ito. I even saw some people tried to catch his gaze. Siguro ay nagbabakasakaling lingunin ni Trevante but none of them succeeded because his gaze is locked in front of him only. It is like they can't come near Trevante unless he talks to them first.

Ganon naman ng unang ko rin siyang Nakita. Nakasimangot at unapproachable. Paran hindi ka kakausapin kung hindi importante o makabuuhan ang sasabihin mo. Pero pag naman nakausap mo ay maiisip mong hindi naman din ganon kasama.

Huminto ako sa tapat ng room ko at doon lang rin siya huminto. Hinarap ko siya.

"Dito na ang room ko. Malapit lang rin ba dito ang room mo?"

Bumaling siya sa akin at pirming umiling.

"Hinatid lang kita. Sa susunod na building pa ako,"

Oh. Mariin na nagdikit ang mga labi ko at tumango na rin.

"Sige uh... Salamat. Sorry for the inconvenience. Papasok na rin ako," I signaled the inside of the room.

His eyebrows arched but he nodded then. So, I was an inconvenience?

"Kusa naman kitang sinamahan,

Oh. So, I'm not? Nag iwas ako ng tingin.

Tatalikod n asana ako pero tinawag niya ulit ang pangalan ko.

"Naomi,"

Nilingon ko siya. Kasalukuyan siyang nakahawak sa kanyang batok. Suminghap siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo bang turuan ulit kita bukas... No." umiling siya sa sarili niya. "Sasamahan kitang magpractice magmaneho sa highway,"

Ngumuso ako. Why does he sound like his asking me if he could come with me? Napag usapan naman talaga naming na pag tatahakin ko na ang highway ay sasamahan niya ako. Tumango na lamang ako. Gumaan ang ekspresyon ng mukha niya. Tumango rin siya.

"Is 9 okay?"

Tumango ako. He mirrored my action again. Ilang segundo pa kaming nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom ko. Hindi ko alam kung tatalikod na lang ba ako o muling magpapaalam sa kanya.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now