Kabanata 6

7 0 0
                                    

Kabanata 6

Alright

Hindi ko alam kung paano ko naiakyat ang malaking box ng ako lang mag isa. Ang alam ko lang ay nakahiga na ako ngayon dito sa sahig at pagod na pagod. Tingin ko ay mawawalan na ako ng hininga sa sobrang pagod.

Inubos ko ang oras ko sa hapon na iyon ang pag akyat ng estante sa kwarto ko. Mahirap pero natutuwa akong nagawa ko iyon. Kinabukasan ay sinubukan kong umpisahan na iyon. May manual naman at meron na rin akong pwedeng gawin na basehan sa baba. Iyong nagawa ni Trevante.

Nilatag ko ang bawat parte sa sahig ng kwarto ko. Ang tool box ay nasa tabi ko habang nakaluhod ako at tinitignan ang manual. Now how do I do this?

I started by attaching the small parts to the big flywood. Hindi ko pa naikakabit ang isa ay pawis na pawis na ako kaya ibinaba ko na lang iyon sa sahig. Tumayo ako at nagpunas ng pawis. I went down to get water. Habang umiinom sa baso sa tapat ng ref ay may kumatok sa pintuan.

Please let it not be Hale. I want to focus on my work.

Mabuti na lang at tinulungan ako ni Viola na pilitin si Hale na huwag nang tumulong. Walang nagawa si Hale kundi sumama kay Roy at sa lalaking kasama nito. Pinanuod ko silang lumabas bago ako nagpaalam kay Viola kanina na papasok na ako.

Wala sa sarili akong nagpunta sa pinto at binuksan iyon. Hindi ko alam pero handa na ako kung sakaling si Hale iyon. At akala ko si Hale iyon pero iba ang tumambad sa akin. Naka pamulsa si Trevante habang nasa tapat ng pinto ko.

Our eyes met. My lips parted with an unknown reason. I blinked several times at him. Bakit siya narito?

"May... May nakalimutan ka ba?"

"Hindi ko pa tapos ang isang estante..."

Nilingon niya ang pinaglalagyan ng box. Nilingon ko rin iyon kahit alam kong wala na dun iyon dahil naiakyat ko na sa taas.

"Nasaan na?"

I looked at him. I bit my lip.

"Okay na. Ako na ang bahala. I can manage. Nagawa mo na ang isa kaya tama na iyon,"

Sabi ko at medyo sinasarado na ang pinto. Hinarang niya ang paa niya para hindi ko iyon tuluyang maisara.

"Nasaan na?" Pag uulit niya.

Ngumuso ako. Sinabi nang kaya ko na. Sasabihin na naman ba niyang unexperienced ako sa pag gawa ng ganito kaya hindi ako qualify na tapusin iyon?

Though it's another fact.

"Nasa taas. Dun ko na gagawin dahil para doon naman iyon."

"Tutulong ako,"

"Kaya ko na."

"You want Hale to help you instead?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Ano raw? Bakit nadamay si Hale dito? Siguro ay nasamid na iyon dahil binanggit niyang bigla.

"This has nothing to do with him-"

"Then prove it to me. Hayaan mo akong tumulong," He fought back.

Tinitigan ko siya. Tumitig din siya pabalik. Suddenly we're in a staring competition. I was told that my stares are intimidating. Now I'm trying it on him pero bakit parang walang epekto?

Wala akong nagawa. Umatras ako para bigyan siya ng espasyo. Pumasok siya at hinintay akong i-lock ang pinto. He watched me lock 2 out of all my door locks. Nilagpasan ko siya at naunang maglakad paakyat sa hagdan. Nang napansin kong hindi ko siya kasunod ay binalingan ko siya. He is looking intently on my door.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now